I've been quiet and lonely this past few days. Lagi akong walang gana, malungkot at walang buhay. Parang papel na sabay lang sa ihip ng hangin. Lungkot na lungkot talaga ako sa mga nangyayari. Gusto ko sanang umiyak ng malakas. Yung ngumawa ng malakas. Malakas na malakas. Yung mapapagod na lang ako kakaiyak. Yung magkaka sore eyes ako kakaiyak. Sarap siguro nun sa pakiramdam. Malamang pagkatapos nun wala na kong mararamdaman. Manhid na uli ako at kaya ko na uli harapin ang buhay. Bakit ko gusto umiyak? Iniiwan na nila akong lahat. Isa isa na silang nag mo-move on sa mga buhay nila at ako ang naiiwan.
Two years ago, my best friend told me she's pregnant. At that time, I already knew she's gonna leave me. She's now starting to build her own family. I know it's selfish pero nakaramdam ako ng selos. Alam kong mababawasan na ang oras niya sa akin. Alam kong mawawalan na siya ng time sa akin. Kung dati, every week akong nag sleepover sa kanila ngayon hindi na pwede. Nakakahiya naman kung matutulog pa ako dun kasama ng anak at asawa niya. Noon, hindi ko pa ramdam ang paglumpay ng communication namin pero ngayon ramdam na ramdam ko na. Wala na akong best friend.
Almost two years ago, dalawa sa barkada ko simula college ang umalis patungong Dubai for greener pastures. Gaya ng dati, in denial ako sa pag alis nila. Tapang tapangan pa ako noon na kahit umalis pa silang lahat kaya kong mabuhay mag isa.
One year ago, isa sa barkada ko nung college ang nabuntis.Isa siya sa mga pinaka ka-close ko sa barkada. Babaeng bakla kasi siya. Halos lahat naku-kwento ko sa kanya pati mga sexcapades ko alam niya. At sa sobrang close namin umiihi siya sa harap ko. Kunwari nasa CR ako ng bahay ng friend nagsasalamin papasok yun tas uupo na lang sa bowl at iihi tas ako naman sisigawan ko siya at mumurahin ng kung anu-anong mura. Ganun kami ka-close. Pero sa nangyari sa kanya ngayon malamang alam ko na ang ibig sabihin nito. Hindi ko na din siya masyado mararamdaman. Siyempre mas uunahin niya ang anak niya kesa naman sa paglabas labas at pagkikita naming magkakaibigan di ba. Noong mga oras na iyon, medyo weak na ako. Napapagtanto ko ng unti unti na silang nawawala sa akin pero being resilient as me, hindi ako nagpakita ng weakness. Alam kong kaya ko.
This month, isa na naman sa barkada ko nung college ang aalis na papunta ng Dubai kasama ang boyfriend niya for greener pastures uli. Lintek! na greener pastures yan eh puro naman buhangin sa Dubai wala naman green dun. Sa mga kabarkada ko nung college apat na lang kaming natitira. Yung isa sobrang busy sa pagiging dealer sa RW so tatlo na lang kaming madalas magkita kita tapos ngayon aalis pa yung isa kaya dalawa na lang kami. Nakakaiyak kasi sila na lang yung tinuturing kong pamilya bilang hindi naman ako close sa mga kapatid ko.
This past few weeks, two person that I met from "somewhere" left me. The first person left me because he said I deserve someone better (duh?!) Second person (SexyGirl) all of a sudden stopped communicating with me for no apparent reason and for god-knows-I-don't-know-until-when. Etong dalawang taong to ang madalas ko makausap this past few weeks. Sila ang sumasalo sa akin ngayong hindi na ako masyado nakikipag kita sa mga kaibigan ko. Sila na lang natitira sa akin tapos nawala pa.
Meron pa naman akong natitirang isa pang circle of friends puro naman sila beki. Kaya lang ganun din ang nangyayari sa amin. Yung isa nasa Singapore na yung isa may jowa ngayon kaya lahat ng time niya nasa jowa niya ngayon. Yung isa naman kaka-promote lang bilang assistant director. Remember Ronald? Kaya busy na siya sa trabaho at madalang na rin magparamdam. Yung isa naman busy sa pag aaral. kumuha kasi uli siya ng kursong fashion design. Tapos yung isa lumipat na sa Paranaque masyado na siyang malayo sa amin kaya hindi na rin siya madalas nakakasama.
You might think na bakit sa kanila na lang umiikot ang mundo ko. Isa lang masasabi ko. Sila ang buhay ko. Sila ang kasama ko habang lumalaki ako. Ang mga barkada ko ang kasama ko (cliche' as it may sound) pero sila ang kasama ko pag malungkot at masaya ako. Malalim ang naging pundasyon namin. Marami na din kaming napagdaanan kaya ganun na lang sila ka importante sa akin. Sila ang humubog sa pagkatao ko. Sila ang nag-tama ng mga mali ko. Sila ang nagmistulang tatay ko. Sila ang pamilya ko.
And now, I'm fucking depressed! Lahat sila iniiwan ako. Lahat sila nag mo-move on na. Lahat sila isinasakatuparan na ang mga plano nila sa buhay samantalang ako-- heto, stagnant. Sobrang apektado ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Ang sama sama ng loob ko.
"I believed the universe wants to be noticed. I think the universe is inprobably biased toward the consciousness, that it rewards intelligence in part because the universe enjoys its elegance being observed. And who am I, living in the middle of history, to tell the universe that it-or my observation of it-- is temporary?" - John Green; The Fault in our Stars
* * * * * *
Hindi talaga ako dapat nang gumawa pa ng blog entry dahil I promised to "someone" na ititigil ko na ang pagba-blog to prove him something... kaya lang, first love ko talaga ito eh. Hindi ko mapigilan talaga ang mag sulat. nagsisilbi kasi itong hingahan ko. Bukod sa mga kaibigan ko, sa blog ako nakikipag kwentuhan. Kaya sayo "someone" huwag mo sanang isipin na hindi ako seryoso sa mga sinabi ko sayo. Totoong lahat ng iyon. Alam mo yan dahil ikaw mismo naramdaman din yon. Sana lang maintindihan mo ang pagmamahal ko sa pagsusulat. *smile*
Normal na parte lang to ng buhay Nomad. Hindi lang sa kaibigan, pati na din sa pamilya. Lahat dumadaan sa progress. It's just a matter of adapting to it. Maybe this is life telling you to move on, for yourself. If you really love those people, you will let them live the life they want, with you just being supportive and happy for them in the background. A good friend is someone you can take for granted, but is still reliable in times of great need.
ReplyDeleteRegarding the side note, I'm glad that you didn't stop on blogging. Whatever happens, always choose your first love, my friend. :)
Let it go, this too shall pass.
Alam ko naman yun. naglabas lang ako ng sama ng loob thru blog. By the end of the day susuportahan ko rin naman sile eh para saan pa't naging kaibigan nila ako di ba?
DeleteSa last note sana naintindihan niya ako. First love eh. ika nga nila first love never dies. hindi naman yan tao eh as far as I know na prove ko pa din saknya ang gusto ko i-prove. Sana lang na gets niya yon. hehe! Sana din kahit na break ko yung promise ko I still prove to him na seryoso ako sa sinabi ko baka kasi isipin niya ume-echos lang ako ;p
aw. nakakarelate ako na mas close ako sa friends ko compared sa mga kapatid kaya i feel you.
ReplyDeletepero i'm sure makakaget over ka rin at tandaan ang totoong kaibigan magkalayo man kayo hinding hindi kayo mag-iiwanan. kasi apat sa barkada ko ang nasa malalayong lugar, yung 3 sa ibang bansa tas yung isa asa visayas pero parang hindi pa rin sila malayo dahil sa social networking sites. hehe syempre iba yung personal na andyan sila pero bakit hindi natin gamitin ang teknolohiya di ba? hehe kaya cheer up! :)
..at wag kang mag-aalala nandito naman kaming mga cyber friends mo. hehe
Uhm, I'm the type that really don't rely too much sa social networkings. I dunno but I guess it's just me. Yung fb ko nga once a month lang ata ako mag update at maglagay ng status eh minsan hindi pa sinipag na ako niyang once a month na yan at di rin ako masyado nag o-open ng fb. Meron kaming groups sa fb tsaka yung sa message dun pero hindi ko talaga ma appreciate kasi hindi ramdam ang presence eh. Siguro ako talaga yung tipo na importante yung physical presence ng isang tao. Kaya hindi rin ako naniniwala sa LDR. I believe people have lost their intimate and "personal" relationship with others. Lahat na lang may nakasuksok sa tenga or may hawak na cellphone, tablet, laptop. Magkakasama naman kayo pero doon nag uusap. Ewan basta pero yan ang feeling ko.
Delete"at wag kang mag-aalala nandito naman kaming mga cyber friends mo." -This is really touching sir. Tara inom na tayo samahan mo akong ngumawa. Hahaha!
We all go through it. Kaya mo yan. Just push yourself a little bit. :)
ReplyDeleteCyber friend here. Busy na din ako. Lurker most of the time. Magkokomento pag kaya. *tapik sa balikat*
ReplyDeleteMay rason siguro kung bakit nangyayari ito Nomad, siguro eh tinuturuan ka na ng panahon na magkaroon ng sariling buto para naman maranasan mo kumilos ng mag-isa lang at hindi naka depende sa mga kaibigan mo. Minsan kasi hindi mo makikita ang magandang epekto ng isang bagay lalo na at malungkot ka sa pangyayari pero im positive na eventually eh makikita mo ang magandang epekto nito.
ReplyDeleteHindi nawawala ang kaibigan, wala man kayong gaanong kumunikasyon pero hindi napuputol doon ang pagkakaibigan nyo... Ang pagkakaibigan ay nananatili sa puso nyo. ang kaibigan, hanggang sa libigan kaibigan mo pa din sila.
I hope maging ok ang pakiramdam mo sa mga susunod na araw. *tap at the back*