Nakilala ko siya sa fully booked sa The Fort. Akala ko nga noong una callboy siya pansin ko kasing lahat ng book section na pinupuntahan ko sumusunod siya. Sabi ko nga sa sarili ko 'anu bang trip nito' yun pala pareho kami ng genre ng books na binabasa. Meron pala kaming something in common at sa pag daloy ng panahon nalaman kong hindi lang pala iyon ang pagkakapareho namin.
Narinig ko ang bulong ng universal language. Ang soul of the world.
At siya ang bigay nila sa akin.
* * * * * *
"You read Murakami as well?" Tanong niya sa akin
"Yeah!" Sagot ko ng nakatungo habang pinagmamasdan ang cover ng libro.
"Ang maganda kay Murakami eh malalim siyang mag isip pero hindi malalim na salita ang mga gamit" sambit niya "plus magaling pa siyang mag describe ng mga events and situation with the appropriate emotions" patuloy niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil na-intriga ako sa sinabi niya. Mukang gamay na niya ang style ni Murakami. Halatang puro libro ni Murakami ang binabasa niya. Tumingin ako sa kanya. Noon ko napansin ang itsura niya. Gwapo siya. Singkit at makinis ang muka. Kitang kita din ang Adam's apple niya na nagpadagdag sa aura niyang lalaking-lalaki. Geek ang itsura niya dahil sa salamin niya. Geek na boy next door ang approach. Naka white polo shirt and chinos na brown. May suot suot na backpack na color black at hawak hawak na organizer. Maganda ang kanyang katawan at may katangkaran. Kayumanggi ang kutis niya. Hindi maputi hindi rin maitim. Pilipinong pilipino.
"I bet you always read his books?" sagot ko sa kanya
"Yup" sagot niya habang nakatingin sa librong hawak ko. binasa niya ang title "Kaflka on the shore. Hhhhmmmm... maganda yan. May mga philosophical approach diyan si Murakami tsaka umpisa pa lang makukuha na niya attention mo dahil interesting yung mga nangyayari." paliwanag niya.
"Ah talaga? I dunno eh first time ko kasi magbasa ng Murakami"
"Chance encounters are what keep us going" sambit niya
"Sorry?" tanong ko ng nakakunot ang noo
"Ah. Isa yan sa mga natandaan kong sinabi ni Murakami diyan sa Kafka on the shore. Chance encounters. like.... this?" ngumit siya sa akin na kagat kagat ang labi. Ang ganda ng ngiti niya. Ang sarap niyang pagmasdan ng nakangiti. Napansin niya atang natutulala na ako sa kanya kaya napa oo na lang ako at tumawa.
"Are you gonna buy that? I'm sure you won't regret it" tanog niya
"Sold!" ang sagot ko na lamang sa kanya.
"Hahahaha! Sorry ah hard selling ba ko? Maganda kasi yan. Oh sige kung after mo basahin tapos hindi ka nagandahan I'll treat you dinner and movie" paanyaya niya.
"Huh? Paano? Ngayon ko na tatapusin?" sagot ko na may halong pagkagulat.
"Haha! Silly. Siyempre hindi. Eto, here's my number" kumuha siya ng kapirasong papel at lapis galing sa hawak hawak niyang organizer at iniabot sa akin. "Ayan. Call me or txt me kapag natapos mo na. I would love to hear your thoughts"
"Iba rin pala style mo sa pagbibigay ng number ah" pabiro ko
"Hahahaha! medyo halata ba?" tanong niya sa akin habang natatawa.
"Medyo" tukso ko
"Nagmamadali ka ba?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang cashier. Ay jusko sana hindi na matapos tong paglalakad na to papunta sa cashier.
"Not really. Actually imi-meet ko ang mga friends ko but I guess I was too early kaya dumaan muna ako dito" paliwanag ko sa kanya bitbit ang libro habang nakapila sa cashier.
"Great! Wanna have some coffee?" pa-anyaya niya
Itutuloy...
Paborito ko yang kafka on the shore. Matandang kausap ang bato. Pag ulan ng isda at kung ano-ano pa. Haha!
ReplyDeleteang hilig mambitin ng mga bloggers ngayon. lol
ReplyDeleteGusto ko kasi sana establish yung gusto kong maramdaman niyo sa bawat sequence ng kwento. Ewan ko kung maging effective ;p
Deletedinaan sa libro :)
ReplyDeletethe style of people nowadays
Korek!
DeleteNaalala ko tuloy yung post ni Seth dati. Yung about sa paghahanap ng potential date sa mga bookstore instead sa bar. Yun nga lang, hindi ka nya nilibre ng books. But I guess ganon na din yun. :)
ReplyDeleteWell, sana may magandang patutunguhan to. He seems to be a nice guy. Mukhang cool and ideal. *hehe*
Ewan ko
DeleteIdeal oo bigay ba naman ng soul of the world eh yun nga lang....
hahaha naunahan ako ah? sige abangan natin ang turn of events :)
Deletewala naman masama sa bookstore, pero kung pipilitin lang gawing cruising spot kahit mahina naman reading comprehension eh ibang usapan na yun hihihi
naalala ko rin ang post na yun. :p
Deleteyihee! that was a smooth way of hitting on someone :) can't wait for the continuation! :)
ReplyDeleteSneaky
Deleteayos! hehe
ReplyDeleteanyway after dark palang nabasa ko kay murakami. well gusto ko naman yung book na yun. hehe
You found a date in a bookstore. UNTHINKABLE. Hahaha! Ah, the wonders a Haruki Murakami book can do to a person's life. Hehehe!
ReplyDeleteI said one time to my friends na i hope to find love in a bookstore, the ultimate romantic fantasy ng mga nerds and bibliophiles na katulad ko. But they told me to go to bars and clubs, at nandun daw lahat. Unfortunately I'm not that kind of person na napunta sa mga ganung lugar (I find them odd and without purpose, other than waste one's time and life).
So it can happen talaga. Salamat sa iyo at there's living proof na makakahanap ng date ang isang tao sa bookstore! Hehehe!
I'm a Murakami fan also. I began with Kafka on the Shore. Strange enough, it was also the beginning of my romance with this girl na niligawan. It was my birthday at niregaluhan niya ako ng libro na yun. Hmmm... Baka ganun talaga ang "Murakami magic"? Hehehe... But that was like seven years ago. Our story ended tragically. Hehehe! Pambasag trip lang!
Anyway, I hope you enjoy the book. I'm now moving on to the sequel...
As a self-proclaimed bibliophile, I fid it sweet that two people can meet through books. ;)
ReplyDeleteMurakami is a great author. The subtlety of his narration plus, symbolism, philosophical approach in life are what makes Murakami, Murakami.
ReplyDeleteAlthough I don't like that his books here are expensive!