Thursday, September 12, 2013
Chance Encounters: Everything is a Metaphor 2
Hinihintay ko siya sa labas ng Starbucks sa 6750 sa Glorietta. Lumipat kami ng pwesto mula sa The Fort papunta dito sa Glorietta. naisip ko kasing hindi na lang ako sasama sa mga kaibigan ko kaya lumipat kami para hindi nila ako makita. Sinipat ko siya ng tingin mula sa loob. Tinanong ko ang sarili ko anu bang ginagawa ko? bat ba ako sumama sa hindi ko naman kilala? Well, interesting naman kasi siya eh... pero kahit na. Tapos nagsinungaling pa ako sa mga kaibigan ko at hindi na tumuloy sa weekly catch up namin para lang sa lalaking hindi ko naman kilala. Tumunog ang cellphone ko. Tinatawagan na ako ni Ronald. Hindi ko sinagot at hinayaan na lang na mag-ring ang phone ko. Tumingin uli ako sa loob kung saan siya nakatayo habang hinihintay ang order namin. Napalingon siya sa akin hawak hawak ang Venti Caramel Frappe (Yan lang lagi kong order sa Starbucks) at Venti Green Tea Frappe. Itinaas niya ito para ipakita sa akin at ngumiti. Jusko! Ang charming naman nitong lalaking to!
"Caramel venti frappe for Nomad" pabiro niya habang inaabot ang kape sa akin. "Coffee based right?" tanong niya. Tumango ako. Umupo siya sa harap ko.
Malamig ang simoy ng hangin. Kakaunti ang tao sa Starbucks ng mga oras na iyon. Kami lang ang nasa labas. Sarado na rin ang mall at pailan-ilan lang ang dumadaan sa harap.
"So... aside from Murakami who else do you read?" Tanong ko sa kanya. Natawa siya ng malakas. Napa kunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung bat siya natawa. Inisip ko bigla kung wrong grammar ba ko pero hindi naman.
"Bat ka tumawa?" Tanong ko sa kanya
"Do you really want to talk about books?" Tanong niya pabalik sa akin
"Huh? I don't understand. I thought you want to talk about books kaya you invited me for a coffee?" tanong ko sa kanya habang binubuksan ang isang kalahating kaha ng Marlboro black.
"Hahaha! Ikaw?" lumapit siya sa akin ng marahan "Anu sa tingin mo ang dahilan?" at sabay nagpungay ang kanyang mga mata.
"Kelangan pumupungay ang mata? Hahaha!" tukso ko sa kanya habang binabato ng maliit na papel na nanggaling sa Marlboro black. "Tigilan mo nga akow!" at sabay nagpakyut sa kanya. Natawa siya ng malakas.
"Kala ko kasi naintindihan mo na ang mga actions ko towards you simula pa lang noong nasa bookstore tayo" paliwanag niya
"Alam mo...." nabigla ako "Ano nga pala name mo?"
"Ay oo nga pala." Iniabot niya ang kamay niya sa akin "My name is Yeshua" pakilala niya.
"Yeshua?" tanong ko habang nakatingin sa mga kamay niya. Ayaw ko sanang abutin yung kamay niya dahil medyo na conscious ako sa place. Ayoko kasi sanang malaman ng iba na kakakilala pa lang namin. Ewan pero conscious ako sa ganun eh.
"Yes. Yeshua" ang sambit niya ng nakangiti. Leche to ngiti ng ngiti sarap halikan. Choz! Ang pula pula kasi ng labi mayaman sa lips na candy.
"Yeshua as in Joseph in english?" tanong ko habang nagsisindi ng yosi. Tumango siya agad.
"So anu real name mo? Yung hebrew o yung english?"
"Yung english pero I prefer hebrew para unique. So alam mo palang english translation ng Yeshua ang Joseph?" tanong niya. tumango naman ako at oo maraming tanguan ang nangyari nung gabing yon.
"You consistently surprise me with your knowledge huh" sambit niya. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Loko to ah anu ko shonga?
"Bakit mukha ba kong shunga sayo?"
"Di, hindi naman sa ganun pero most people kasi hindi alam na translation ng Yeshua ang Joseph."
"Ang arte mo naman kasi may pa-Yeshua Yeshua ka pang nalalaman diyan. Pero I like it. Ang cool and unique and sosyal banggitin ng name mo" natawa siya ng malakas.
"How about you? What's your name?" tanong niya sa akin matapos humigop ng green tea frappe niya.
"Nomad" sagot ko
"Hhhmm.. what a pretty name" sabi niya
"Chosera!" biro ko sa kanya at natawa naman siya.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng gabing iyon. Halos hindi na nga namin napapansin ang oras. Matapos pa ang ilang oras iba na ang nararamdaman ko sa kanya. May connection kami ang sambit ko sa sarili ko. Sa lahat ng mga ka-date ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong bond at connection sa isang stranger. Chemistry kung tawagin ng iba. Nakakaaliw siyang kausap. Bawat bato niya ng salita ay kasunod naman ng pangugusap na galing sa akin. Ibig sabihin ay no dull moments kami. Walang and-there-was-silence na naganap sa pagitan namin. Wala ring anghel na dumaan sa amin. Aktibo kaming dalawa sa lahat ng mga bagay na pinaguusapan namin. Para bang sa bawat kwento ko nakakarelate siya at ganun din naman ako sa kanya. Bihira mangyari sa akin ang ganito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Paolo Coelho sa The Alchemist.
What I felt at that moment was, I was in the presence of my soul mate. It was the language of the world. It requires no explanation nor reason. It's like the universe conspires and brought us together. I was certain more than anything in this world. I had been told by friends consistently that I have to really know the person first before becoming committed.
"But people who felt that way had never learned the universal language" Yeshua said
"You felt it? You felt the same way?" tanong ko sa kanya.
Ubos na ang aming mga frappe. Mas lalong kumonti ang tao sa Starbucks. Kami na lang ang nasa labas at isang lalaking medyo may katandaan ang nasa loob habang nagta-type sa kanyang laptop. Malamig pa rin ang simoy ng haning but everything seems so perfect. Parang pakiramdam ko tama ang desisyon kong hindi sumama sa weekend catch up at piniling makasama siya.
"I did" sagot niya. Pinagmasdan ko ang mga mata niya. Kitang kita ko ang sincerity sa sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang ramdam din niya ang nararamdaman ko. Halos lumundag ako sa tuwa. Ngunit kita ko din ang lungkot sa mga mukha niya. Malalim ang iniisip niya na para bang mayroon siyang pinag-aalala.
"Because when you know that universal language, its easy to understand that someone in the world awaits you, and when two such people encounter each other the past and the future becomes unimportant. Yan ang sabi ni Paolo Coelho" paliwanag ko sa kanya "Its just you and me and this moment." patuloy ko
"The Alchemist yan ah. Mukhang malaki ang impluwensya sayo ni Paolo Coelho ah. You have too much Paolo Coelho in you" sabi niya
"Siyempre. Effective siya sa akin eh sabi nga niya a great writer affects readers and change their lives" paliwanag ko
"Kung napansin mo. Para tayong pinagtapo talaga. Lahat ng mga naranasan mo naranasan ko din. And you see ramdam mo din yung sinasabi ko. It's like our souls talking hindi tayo. If you dig deeper you'll see that the universe open up its horizons. Kahit wala pa kong sinasabi kung ang ang nararamdaman ko para sayo pero naramdaman mo din you. You felt the same way I do" patuloy ko
Natahimik siya bigla. kita ko ang lungkot na bumabalot sa mukha niya.
Yumuko siya
"See this?" Iniabot sa akin ni Yeshua ang phone niya
Nagimbal ako
Bigla akong nanlamig at napansing wala na palang ibang tao.
Saka ko napansin na tahimik at malungkot ang kapaligiran
Itutuloy...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
i find the Alchemist quite over rated. Yes andaming quotes pero ang corny na towards the middle at ending ng story.
ReplyDeleteAlchemist is actually not about the story, it's about the wisdom that lies beneath the plot. Wisdom, spiritual and philosophical amelioration.
DeleteI found Eleven Minutes more interesting. Tungkol kasi sa isang puta. Nakarelate ako. hahahah
DeleteIs this story real? hindi nga? Totoo ba talaga ang taong ito? A conversation about books? About Paulo Coelho? Nako, Nomad, if you think he is your soul mate eh wag mo nang pakawalan. People who are willing to talk about books are very rare. They are endangered species, konti na lang at extinct na sila.
ReplyDeleteAnd as for Paulo Coelho, well, I've abandoned him long ago. Of all the books of Paulo Coelho, only The Fifth Mountain made a great impact in my life (I was immersed in Old Testament Theology at the time kaya I devoured that novel). Others, well, i found them not so impressive.
Anyway, I wonder where this story will lead us.
Stories are stories. Fictious or not it affects us and other people in so many ways that we can never think of. What's important is it can change us and our lives for the better. Stories are always contingent.
DeleteYou didn't like The Alchemist? How dare you! That's blasphemy. Choz!
Gusto ko lang sa The Alchemist ay yung twist sa huli. Binasa ko din yung ibang books ni Coelho. Saktong inspirational lang naman. Mas gusto ko pa din yung books ni Mitch Albom. :)
DeleteI'm really sorry, and I apologize to all Coelho fans. I do acknowledge Coelho as one of the brightest writers of our age. nagkataon lang na na disappoint ako sa ibang libro niya. They didn't get me. I didn't experience that blissful feeling after reading a book, especially when I tried reading the Alchemist. Ewan ko ba. Pero nagustuhan ko Fifth Mountain, The Devil and Miss Prym, Veronika Decides to Die, and By the River Piedra.... For the rest, well, they're good. Pero hanggang doon na lang talaga. I was deeply moved by the Fifth Mountain and The Devil and Miss Prym, kahit hindi sila yung pinaka ultimate choice ng mga readers niya. Siguro yun yung hinahanap ko sa ibang libro niya na hindi ko nakita kaya nawalan na ako ng gana.
DeleteNo need to apologize sir everyone is free to state their opinions. Actually hindi rin naman ako nagandahan sa The Alchemist's story per se' mabagal ang pacing, weak plot and boring but that didn't matter to me kasi my brain was satisfied with wisdom that Coelho shared to me and it affect my perception in life and love. Mas lumalim ang tingin ko sa mga bagay bagay at sa universe its the same thing how it affected you sa mga books na nabasa mo. Yun ang mahalaga di ba how it affect us. Kung di ka naapektuhan sa librong binasa mo its either you or the author ang may problema. Hehe!
DeleteNo worries sir :)
Yes, I think dun ako sa part na yun na disappoint. I don't question the philosophy at yung lesson. Malaman at marami ka talaga mapupulot kahit dun sa ilang boring novels, hehehe! sige, sorba na ako mag comment, lumilitaw na ang ka-epalan ko. Please post the next part of the story. Nakakabitin! You're torturing the readers!
DeleteThank you sir. I really do enjoy this conversation :)
DeleteYung The Devil and Ms. Prym din ang pinaka-fave ko sa books nya... Good story and good lesson at the end. :)
DeleteAng landi lang huh. *hahahaha* Feeling ko magkakaroon ako ng diabetes habang nagbabasa nito.
ReplyDelete*hmmm* Parang alam ko na ang mangyayaring kasunod. :P