Thursday, September 26, 2013

EDM


Well, for those who doesn't know or not into clubbings and rave parties, EDM means Electro Dance Music. And yes, sila po ang topic sa post ko ngayon. Enough with the drama muna and let's just enjoy the music beybeh!

Kung may comfort food, sa akin naman may comfort songs. So ironic na yung mga comfort songs ko maiingay noh? Nakaka boost kasi ng spirit tsaka ng mood ang EDM for me eh. Para siyang ecstasy sa akin, pinapataas ang endorphins ko kaya naman gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikining nga mga EDMs.

Dati ang mga pinaka sikat na Dj around the world ay sila tiesto at benny bennasi, ngayon sila Sebastian Ingrosso, Alessa and Avicii na ang mga sikat. And I love all of their creations. Bakit hindi kasali si David Guetta? Well, kasali naman siya sa pinaka sikat and highest paid na Dj kaya lang for me, simula nung gumawa siya ng maraming collab with different pop artist nawala na yung pagiging authentic progressive house Dj niya. Masyado na siyang naging "pop" for me kaya di ko na bet masyado.

Pag nakikinig ka ng EDM dapat iba tenga mo. Iba dapat ang pinakikinggan mo. Hindi yung kabuuan ng music, hindi yung vocals kundi yung beat, yung pattern, yung bass, yung treble at yung energy. Mas maganda din kung yung EDM eh may vocals (Yung may kumakanta) kasi medyo boring pag walang vocals. Para mas ma-aapreciate mo dapat maganda yung gamit mong earphones pag nakikinig ka ng EDM. I suggest Urbanears (much cheaper sa Marshalls and beats pero same quality) kasi kuhang kuha niya yung bass sound buong buo tapos smooth ang bounce. Tapos change mo din yung EQ lagay mo sa bass boost, dance or loud (depends sa trip mo) tapos ayun. Ok na! Solb na! May instant ecstasy ka na. This is the reason why I love Bed Manila compared to Obar Ortigas. Ang lakas maka tomorrowland festival ng Bed Manila eh. Ang ganda ng mix tape nila ng mga EDMs.

Now let me share you my top 11 all time favorite EDM.

By the way, malaking tulong din ang EDMs sa gym at sa pag ja-jog. Try mo :)

11. Seek a million voices (Otto Knows vs Avicii)

Pinag sama yung Seek Bromance ni Tim Berg (Avicii) and Million voices ng Otto Knows. Ang ganda pala.




10. I could be the one (Avicii vs. Nicky Romero)




9. You make me (Avicii)




8. Wake me up (Avicii)




7. Clarity (Zedd feat foxes)




6. Just One Last Time (David Guetta feat. Taped Rai)




 5. Titanium (David Guetta feat. Sia)




4. Reload (Sebastian Ingrosso, Tommy Trash feat. John Martin)




3. City of Dreams (Alesso & Dirty South)



2. If I loose myself (Alesso vs One Republic)

Actually, this was Alesso's remix of One republic's song. Favorite ko to lalo na yung sa part na "If I loose myself tonight it'll be by yourside...." tas bumabagal yung beat grabe feeling ko nililipad ako ng hangin sa part na yan tapos bibilis uli. Sarap! (Di po ako adik ah ganyan lang talaga ako maka appreciate ng EDM)




1. Calling (Sebastian Ingrosso & Alesso feat Ryan Tedder)

Kung pakikinggan ninyo ng mabuti malaki ang similarities nito at ng number 2 when it comes to pattern.




Ayan ang mga tumutulong sa akin habang nagt-trabaho sa gabi para hindi antukin at ganahan mag trabaho.

Sarap sa tenga noh?







* * * * *
Sa mga nag tanong, nawala ang blog ko saglit kasi napindot ko yung deactivte button hindi ko alam kung pano ibalik. Choz!

20 comments:

  1. Dati, sa Goverment lang ako nakakapakinig ng ganyan! Pero matagal na yatang sarado yun no? Haha. Yeah, ganun na ako katanda haha.

    But yes, nakaka-high nga makinig ng EDM. Tara tugs tugs na tayo! Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe tagal na nung Gov ah high school pa ko nun. Hehe!

      Delete
    2. I remember I used to go to Gov with my ex BF Mark and the only time na napupuno yung place eh pag may free entrance dahil sa G4M event (pero parang cocktail party lang puro nakatayo kakaunti sumasayaw?).

      Delete
    3. That's one of the reasons why they closed it, yung mga guestlist nalugi sila

      and oh, because of drugs na din

      Delete
  2. Hala yung Titanium lang ang alam ko LOL... Ngayon ko lang nalaman yang EDM genre although mejo familiar ako sa ibang artists diyan like Guetta and Avicii... Parang pang-soundtrack ng porn yung tunog ng iba hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually, maraming pang branches ang EDM may trance, house, trouse, progressive house, tribal, electrica and the like

      Grabe yung soundtrack sa porn pinakinggan ko tuloy uli. Hahaha!

      Delete
    2. LOL ako rin Titanium lang. Magkakasundo kayu ni Mugen sa ganitong music :)

      Delete
  3. Replies
    1. Dati love ko si avicii ngayon si Alesso, Zedd and Ingrosso na

      Delete
  4. Ako din Titanium lang. Di naman ako mahilig mag-clubbing.

    Hey, you're back! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman pang clubbin lang yan eh

      Yeah I'm back from outer space. Lels :p

      Delete
    2. May alam pa pala akong isa yung "Cream". I used to dance to it. hahahaha

      Delete
  5. My cuz in London keeps telling me about EDM. Hindi ako mahilig mag clubbing katulad niya. Di kotuloy magala siya sa Metro Manila pag nandito siya. Hahaha. Baka kayo ang magkasundo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay tyak magkakasundo nga kami niyan pag nasa club kami kung di ako lumalandi ine-enjoy ko lang ang EDM.

      pero tingin ko sa inglesan kami hindi magkakasundo ng pinsan mo. Hehe

      Delete
    2. For sure he knows who Alesso and Ingrosso is :)

      Delete
    3. He was talking about certain EDM thats currently a big hit in the UK. Di ko naman pinakinggan kasi di ko nga alam yan. Hahahaha. Di ko sure kung alesso..

      Delete
    4. Waaaaaaaaaaaaaaa! I need to know who that is :/

      Delete
  6. I gave up on clubbing a long time ago LOL. It was so much of a sensory overload for me then even when I was a lot younger? Kasi naman ang init (sa dami ng tao saka yung daming cute sa paligid), lakas ng music, usok, alcohol, etc etc etc

    ReplyDelete
    Replies
    1. Korek sa sensory overload. Couldn't agree more.

      Bukod sa boys yan lang talaga ine-enjoy ko sa clubbing yung EDM.

      Delete