Sa bawat plastic o tumpok ng kamatis hindi mawawala ang nag iisang pirasong bulok na kamatis, Sa bawat pamilya hindi mawawala ang black sheep, Sa bawat Classroom hindi mawawala ang estudyanteng masama ang ugali at sa blogsphere hindi rin mawawala ang mga
Bago ko pa man simulan isulat ang temang ito napag isip isip ko nang marami ang mag re-react at magagalit sa akin. I really don't care it's their prerogative. Kanya kanya lang namang tema at topic yan nasa atin na iyon kung paano natin tatanggapin ang mga iyan. Naalala ko dati noong lecture namin sa Sensory and Perception sa General Psychology class ko, May itinaas na medyo medyo malinis na t-shirt yung reporter tapos he asked us kung ano tingin namin sa shirt. Most of us said marumi and the remaining students said hindi. My classmate showed us how people have different perceptions in life. Ang malinis sa akin ay maaring madumi sayo. Ang mabuti sa akin ay maaring masama sa iyo at kung sa tingin mong masasaktan ka at hindi magugustuhan ang post na ito then click the "x" button if not then you may continue.
Sa aking pag iikot sa cosmo na ito, aking napansin ang kakaibang pakulo ng mga iba't ibang authors sa kanilang mga blog na wala namang kinalaman sa literatura bukod sa pagsikat nila at paglikha ng echo ng mga pangalan nila. May mga interview sa ibang bloggers (What for?), May pa contest para daw magpasalamat (Seriously? You really have to do this?) tsaka yung pumili daw ng pinaka gusto mong post niya tapos reason out mo kung bakit mo nagustuhan yun at pag ikaw ang napili bibigyan ka ng prize (Seriously ulit?! Uhaw sa puri? Kelangan mo ng affirmation?!) at kung ano ano pa. Ewan ko. Hindi ko maintindihan.
Ang mga bloggers noon ay parang isang tunay na author ng libro. Walang ibang inisip kundi ang mga istoryang kanilang naililimbag sa kani-kanilang mga espasyo. Ang turn of events at ang paglago ng bawat karakter sa naturang kwento. Katulad na lamang ni Mandaya. Payak siyang mag kwento ngunit may lalim. Si Bookie na hindi takot mag kwento ng buhay at karanasan niya at si Aris na mahilig gumawa ng series.
Hindi ko lang lubos maisip kung bakit kailangan pang gumawa ng mga pakulo. Hindi ko maiwasang isipin na isa itong pambabastos sa literatura. Alam kong may iba't ibang istylo sa pagsusulat ang mga bloggers base sa konsepto ng kanilang blog pero dahil sa mga pakulo nila, nawawala ang authenticity ng literature sa kanilang mga blog.
Hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba talaga ang rason at purpose nila sa pagsusulat.
nabanggit ko sa pinaka unang post ko ang malaking pagkakaiba ng mga bloggers noon sa mga bloggers ngayon. At sa pagkakaibang yon, hindi ko mapigilang isipin kung maituturing pa bang isang literatura ang mga gawa nila? Malaki at mataas ang respeto ko sa mga manunulat lalo na ang mga sumusulat ng kanilang mga kwento kaya hindi ko rin maiwasang malungkot at madismaya sa mga nakikita kong "kababawan" na nangyayari sa mundong ito.
At sa pag iikot kong iyon, tinanong ko ang sarili ko....
Unti unti na bang nabubulok ang literatura sa mundo ng pagba-blog?
"But metaphors help eliminate what seperates you and me"
- Kafka on the shore; Haruki Murakami
I don't believe that every piece should be deep. Maybe it's one way of expression and blog interaction the author is trying to start.
ReplyDeleteDid I mention anything that every post should be deep? I myself cannot do that all the time.
ReplyDeleteNomad, ang strong ng tone mo dito. Relax :P
DeleteAy sorry too strong ba?
DeleteHaaay! Di talaga ako maruong gumamit ng soft tones pag nag e-explain. Bobbie (4 sisters and a wedding) talaga ang peg ko :(
Tapang! Hahahaha :)
ReplyDeleteExempted ako. Wala akong pakulo :P
Actually, you're one of the bloggers I consider a real writer. Seryoso yan ah *abutan mo ko mya ah* Lels
Deleteayiiiii! *apir*
DeleteNo need to stress over it. Ganyan din ako dati. I have this certain view sa kung ano dapat ang mga bloggers...
ReplyDeleteWala rin naman mangyayari, ganun pa rin sila. Di magbabago yun. Best thing to do ay iwasan na lang ang mga blog nila. :)
Aray ko sa iba... parang tinamaan ako dun. hahaha
I kinda thought of brushing it aside but then I realized that I'm part of this whole circle and I have (littlest) responsibility and obligation to make this world a better place. Choz! to maintain its highest credo and authenticity. Hindi ko rin naman pina-follow yung mga ganoong blog kaya puro ang nasa circle ko hindi ko lang maiwasan talagang madismaya sa pag yurak sa literatura.
DeleteI've been reading your blog since I stumble upon your story about you and your mother and the PC. Hehehe! and wala naman akong nakikitang mali sa mga pakulo mo or bias lang ako? Lels
Kung ako lang mag isa ang makakapuna wala talagang mababago pero kung mare-realize din ng iba maaaring may magbago. Nalala ko yung sabi nung bata nakita ko dati sa yahoo news
Delete"One day that's going to make a difference. It might not be a really big difference but at least it's something,"
and
"If every person would do that, we would have such a great world, It would be awesome."
:)
you implied it. kindly back read. as if having a not too deep post is a crime...
ReplyDeletethere are bloggers who blog to express and not to impress.
who are we to dictate what should be the contents of one's blog?
Haaaay! It's very clear na meron kang hindi naintindihan
Deletewhy read it in the first place? curious lang nomad.
ReplyDeleteIt was explained to my response in Gillboard's comment. Please read
Deletewell, i dont think its enough answer thats why i asked again. we are different people. our blog contents are different. we think differently. why should we conform to the norms set by one when writing is universal in a sense? we entertain differently as we are entertained by different means.
ReplyDeleteits very clear na sarado utak mo. you are trying to model blogs to ur own preference and i dont think thats quite fair. i understand u. i understand this post. i just dont agree
"Kanya kanya lang namang tema at topic yan nasa atin na iyon kung paano natin tatanggapin ang mga iyan.... people have different perceptions in life. Ang malinis sa akin ay maaring madumi sayo. Ang mabuti sa akin ay maaring masama sa iyo at kung sa tingin mong masasaktan ka at hindi magugustuhan ang post na ito then click the "x" button if not then you may continue."
DeleteYou know what.... you're right
but the funny thing is
you're actually doing the same thing
geez!
no im not. im just trying to defend what should be defended. and no i dont have posts like that but i do know some people who enjoy those posts/blogs/vlogs
ReplyDeleteDi mo nga naintindihan ang sinabi ko. Bahala ka na nga kung paano mo tatanggapin at kung ano ang magiging interpretasyon mo diyan pero ta-tandaan mong never kong nag inflict ng norms sayo o sa ibang tao. I should know, non conformist ako.
DeleteAnd by the way, Ad hominem ka na
hahaha. alam ko na nonconformist ka. di mo na kailangan sabihin..
ReplyDeleteand no. di pa ako adhominem. sinasabi ko na un kasi ayaw mo iconsider ang mga sinasabi ko.
You keep on reminding me about my "saradong utak" but look who's talking.
DeleteIs that what you want to hear from me? Okay....
I now consider your opinion even if it is inflicted to me directly. Happy?
Eto pagkakaiba natin. I never inflicted nor imply my beliefs to others forcefully. I am just highly opinionated and that doesn't make me any of your accusations to me. Again.... Highly opinionated not communist.
:)
hahaha. e pano ba naman. ur saying ad hominem when I didn't even say anything to strengthen my argument. what im saying is u shud consider ehat im saying.
ReplyDeleteu say imply your beliefs forcefully when in your mind ur trying to model blogs according to ur preference. haiy. ur incoherent.
highly aggressively opinionated :)))
Whatever
DeleteTinamaan ako dahil puro kalandian ang pinagsususulat ko. Lol.
ReplyDeleteAko din.
DeleteNgek! wala naman akong sinabi about sa landian posts eh ako ma'y mga ganoon ding entry
ReplyDeleteSeems like only Gillboard understood what I wanted to say :(
Don't worry. I got your message loud and clear... I understood it all right. :)
Deletehahahahahaha. panalo ang post na ito. oo nomad namiss ko ang mga blog dati. actually pinagmumuni-munihan kong i-blog yan dahil namimiss ko nga ang blog ng mga lola mo.
ReplyDeletehaha sabi mo nga iba't-ibang perspektiba ang pagtingin sa mga bagay-bagay, trip nila yun so bahala sila. haha
yun din siguro ang maganda sa blogging world, malaya kang magbukas at magsulat ng iyong blog pero malaya rin ang mga taong kilatisin kung ano ang nilalaman nito. at makapangyarihan tayo bilang mambabasa kung ano ang icliclick natin at hindi. hehe siguro maganda rin tignan kung ano ang objective nung mga blogger na yan, kung fame ang habol nila at affirmation... e di palakpakan, nakuha nila ang gusto nila. haha
bilang iba-ibang rason din naman kung bakit tayo nagblablog. haha well ako magmaganda lang at kumiri-kiri. haha
Basta ako, aminado ako na kaya ako nagba-blog ay para sumikat. Baka ma-discover ako at maging artista. Lols. :P
Delete@Sep: One brave lad here. I admire you and even if we have a totally different point of view, you never asked me to believe in your personal beliefs
DeleteThat's exactly what I want to relay... Finally!
DeleteLahat ng points na hindi ko direktang sinabi nakuha mo. Kuhang kuha mo. Yan ang gusto ko sa mga mambabasa. nagdi-dig deeper. Nag a-analyze. Alam ang metaphor at simile. Alam ang hyperbole sa hindi. Alam ang figures of speech and doesn't take things literally.
I expect my readers to be wise and smart and to be different. I expect them not to ask what is already obvious. (I said smart and wise not intelligent and knowledgeable)
And you did that
Good job ka sakin. Char!
e di ako na pers honor nomad!!! kailan na sabitan ng medalya? charot. haha
Deletejusko may laman naman at libog kasi ang blog mo sepsep, so sisikat at sisikat ka talaga. haha
Padadalhan sana kita ng 24k na gold eh kaya lang baka tunawin mo at ibenta. Hahahaha!
DeleteMay aral din naman kasi ang mga kwento ni Sep halata naman sa pagsusulat niya. He never forgot to say what he learned and realized at yun ang minahal namin bukod sa mainit at nakaka hard ang kwento. Lol
Eh kasi, sex sells. :P
DeleteAbangan nyo na lang balang araw, star na ko sa sarili kong indie film: 'Serbis 2'. Lols
But please be careful....
Deletewith my heart. Choz!
just be careful ok? remember everything has it's price
KILIG KAYO. HAHAHAH BLOG LOVETEAM OF THE YEAR!!!
DeleteHoy tigilan mo nga ako kukurutin ko yang glans mo. Charot!
DeleteNye. *haha* Ang 'Blog Loveteam Of The Year' ay para kina Vic at Jjamps. :P
DeleteThey are not counted because they are officially boyfriends "loveteam" means not "on" but sweet with each other ganun ang criteria for judging
Delete*lumulusot :p*
so gusto mo nga nomad na love team kayo ni sepses? yiii. haha
DeleteNgek! gusto ko maging available ako para sa lahat. Charoz!
DeletePara akong si Queen sa Epic na movie nabubuhay para sa lahat. Haha!
ay mas powerful pala ang tagisan ng mga comment!!!! hehe
ReplyDeleteAt higit sa lahat.. hindi pinipilit ang opinyon niya sa pinaniniwalaan ko :)
DeleteLeft a comment sa 4 sisters post. please read :)
Deletereplied. :)
DeleteSent
DeleteAng init ng discussions sa comments! Haha.
ReplyDeleteSumasali pa naman ako sa mga pakulo. Lol.
Would you dare to join the debate of the Titans here? Ako hindi. No balls for that. hahaha!
Deletei think for others, mas naging importante ung followers compared to the content
ReplyDeletesiguro that's how they gauge ung quality of what they write
ako nga when I started, I didn't even knew if people will follow my blog or not
kasi what I write is basically what's happening in my life, my lingering thoughts and my curiosity but only limited to those that I'm willing to share
All of a sudden Lady Gaga's dancing inside my brain. Hahaha! Ah, there's a little fame monster in every one of us dancing to the music of Applause. Hahaha!
ReplyDeleteBut you did make a very good point here Nomad.
Pero bago ako magpatuloy I would first declare that I am guilty as charged here. Later on, I will explain why.
Hindi ko tuloy alam kung paano sisimulan after reading the comments here but I'd like to share my piece of sh*t. hehehe!
I don't think that blogging is ruining literature at all. I think it's just become a medium for literature to thrive and evolve (or devolve). In medieval times in Italy, it was a rule that artists and writers must right in ecclesiastical latin because it was the correct thing to do and because that was the standard of medieval literature. Pero dumating si Dante Alighieri with his Divine Comedy, and the whole medieval literary world was shaken. Why? He used the volgare, or the vulgar language, which is Florentine Italian. It was unusual to write literary masterpieces in the vulgar language. It was taboo and for the ignorant. However, Dante started a trend that shaped Italian literature and culture, and even the literary trend in Europe. Everybody wrote in their own 'vulgar language' or local dialect/language.
Mag mula noon ipinanganak na ang Italian literature and language.
What I'm saying is, as time goes by, literature will take another form- whether it becomes the divine beauty of ancient literature, or the immaculate beauty of Medieval Latin, or the crude and lewdness of the 'Volgare' writing.
And i think the same thing is happening right now, with the democratization of the art of writing, and the possibility of a 15-minute-fame-whoreness, literature is taking a new form. The Old Guards of the Literature will still be a factor in its evolution but one thing is certain, they won't be able to keep it the way it was during the golden days of their creativity, and literature will change, either for better or for worse, and we won't be able to do anything about it. There's the good, the bad, and the really pathetic, and Literature will pick one of them or two or all three to be her new face.
Now it's 4:08 AM here, and I just finished a glass of wine, and I'm not anymore sure if I'm making any sense here pero ipagpapatuloy ko pa rin.
Now before the blog era and the internet age, we all had those black notebooks where we keep our secrets, thoughts, unsaid opinions, and best of all, the poems and stories. Those were our incubators of our imagined novels and books which we will publish in the future. At that time, the circle of writers who basked in the prestige and honor in the art of writing was very small. Writers were only those who could have their stories published in magazines, newspapers, and books. Literature lived on that.
Now, there's what we call a "democratization" of the art of writing. And suddenly, everybody gets a piece of that prestige and honor. Dito naglitawan lang ang mga frustrated writers and frustrated poets, and I'm one of them.
Hmm.... malayo na sa topic. Sige, ito na...
i think we should focus on the figure of the blogger as the new form of an artist. Every artist must have a purpose- either to destroy the establishment in the world of culture, create a new school of thought, or strengthen the current trend.
Part 2...
ReplyDeletei think we should focus on the figure of the blogger as the new form of an artist. Every artist must have a purpose- either to destroy the establishment in the world of culture, create a new school of thought, or strengthen the current trend.
Bloggers must have a purpose, an order of ethics, and at the same time, a certain style. ABOVE ALL, CORRECT GRAMMAR. Hehehe! Again, isa ako sa mga matitinding mag massacre ng grammar.
I really have nothing against interviewing or featuring bloggers, whether their works are as sublime as Kant's or as trashy as the tweets of Former-Disney-Stars-Now-Turned-STupid-Twerking Bitch. It just establishes the reality of the figure of a blogger as a new form of a writer/artist/whatever-you-call-it. I mean, it is a fact that the blog has been a powerful tool to scare the shit out of those senators when they passed the Anti-Cyber Crime Law and forced them to make amendments afterwards. It is a fact that bloggers were influential in encouraging an outraged population to make a stand against those pork-barrel fucktards. And yet, some troll in the Senate undermined the role and figure of bloggers (hindi ikaw Senator Sotto ang pinatatamaan ko, t*ng*na ka!).
So to feature a blogger is not harmful to literature.
At higit sa lahat Nomad, pagbigyan mo na kami kung hindi talaga pang literature ang sinusulat namin.
Alam mo, bago lumitaw ang blog sa buhay ko, putangina! Wala talaga ako makausap. Kung hindi ako makikisabay sa conversation nila eh wala talagang mangyayari. Politics, libro, at yung mga usual na trip ko, hindi yan trip ng mga "kaibigan" ko. Naaawa naman ako kasi pinipilit nila sakyan yung mga sinasabi ko. Kaya ayun, ako na lang ang nakibagay dahil ako ang natatanging kakaiba sa kanila. Eh pucha! Ganon na lang ba buong buhay ko?
At least sa blog, gaano man ka walang kwenta ang pinaggagawa ko at pinagsusulat ko eh nakahanap ako ng mga taong puedeng sakyan ang trip ko. I thought I'd be talking to myself and to the wall forever. At yung mahahabang comment ko isinusulat ko na lang. at least masasabi ko ng walang humpay ang nasa utak ko kahit ayaw mo, wala akong pakialam at least nailabas ko na. Nakaraos din. Di ba? Hehehe!
Just saying! Kung sa tingin mo hindi ko nagets ang sinabi eh, ok lang. Masaya akong nakatambay dito. Weheheh!
Well, what can I say? may kasama ng history yan eh...
Deletecase closed? Hehe!
I love how this post turned out. It ignited your perspective and opinion. this is what I want from my readers eh.
But i'll still hold my ground ;p
Delete