Nakatayo ako sa may kanto iniintay ang kaibigan kong si Jhing para magpunta kila lai. Hinugot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag dial at tawagan si Jhing
Ring, ring, ring, ring
Ako: Asan ka na? Sabi mo 9 eh 9:30 na bakla ka! (Nga pala babae po si Jhing bakla lang tawag ko sa kanilang lahat)
Jhing: Eto na malapit na nasa jeep ako baka mahablot to sige na bye
Bago pa man ako nakapag salita eh binabaan na ako ng loka.
Pumunta muna ako ng tindahan at bumili ng yosi.
Hithit, buga
Hithit, buga
taktak
Hithit, buga
Maya maya pa'y ubos na ang hinihithit kong yosi. May humintong jeep sa harap ko. May nakangiting lalaki ang papalapit sa akin. Hindi ko siya makita dahil malabo ang mata ko. Blurred ang mukha niya. Palinaw ng palinaw ang mukha na papalapit sa akin. Kinurot niya ang nipples ko. Kinilabutan ako. It send shivers down my spine.
Bbrrr!
Once again, sa hindi inaasahang pagkakataon...
Sa ikatlong pagkakataon
Nagkita uli kami ni StarFish
StarFish: Kamusta?
Ako: Okay naman. Bat nandito ka? San ka galing?
StarFish: Galing akong Qc may inayos lang. Taga dito ako dun sa kabilang street nakita kita kaya dito ako bumaba sa harap mo
Malaki ang ngiti ni StarFish. Mukang may binabalak. Hindi pa din dumadating ang Jhing.
StarFish: Pwede ka ba sa friday next week?
Bigka kong naalala yung gabing magkatabi kami sa kwarto. Napangiti ako
Ako: Bakit? Anu meron?
StarFish: Basta. Alis tayo punta tayo Makati (May sinabi siyang building pero di ko na matandaan)
Inakbayan ako ni StarFish. Malaki pa din ang ngiti niya sa mukha.
Ano ba ang tumatakbo sa isip ng mokong na to?
Ako: San tayo pupunta?
StarFish: Basta nga maging open minded ka lang
Kinabahan ako pero nagbigay ito ng kaunting kiliti sa aking imahinasyon. Naalala ko ang kwento ni Bookie sa blog niya - mga organized orgy sa Makati
Ako: Gusto ko malaman kung saan tayo pupunta para alam ko kung ano susuotin ko. Anong oras? (Umaasa kasi akong fine dining iyon. Haha!)
StarFish: Mag casual ka lang. Gabi tayo aalis. Anu nga pala number mo?
Ako: 0917447****
Hindi ako nakapagpigil.
Kinakabahan ako sa kanya
Ako: San nga tayo pupunta
Nakita ko na si Jhing at nakangiting papalapit sa amin. Alam ko kung ano ang nasa isip niya. Akala niya siguro boyfriend ko si StarFish
StarFish: Basta nga! Tandaan mo maging open minded ka lang sa pupuntahan natin. Sa makikita at maririnig mo.
Ngumiti si StarFish ng malaki. Naalala ko na naman ang gabing pinagsamahan ng init ng aming mga katawan
ganoon na ganoon din ang ngiti niya
Mas lalo akong kinabahan
Itutuloy....
Kinakabahan din ako! Ano ba ang pinupuntahan na pwede na ang casual? Retreat? Rally? Million People March?
ReplyDeleteChurch Mass. :)
DeleteWedding? :)
Deletemanonood siguro sila ng kung fu divas. kelangan ng open mind dun *TawangWagas
Deletemaganda nag kung fu divas. so funny kung yun ang date movie. hahaha
DeleteAko noon, I never slept with the same guy more than 3x. After that di na ako interested kahit gaano ka pa kasarap. hahahaha
ReplyDeletetaray nag-abala pa sa dapat i-suot na casual? e huhubarin din naman!!! charot. hahaha
ReplyDeletehmmm san nga kaya kayo gogora? hehe