Wednesday, October 2, 2013

Sa ikatlong pagkakataon



Nakatayo ako sa may kanto iniintay ang kaibigan kong si Jhing para magpunta kila lai. Hinugot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag dial at tawagan si Jhing

Ring, ring, ring, ring

Ako: Asan ka na? Sabi mo 9 eh 9:30 na bakla ka! (Nga pala babae po si Jhing bakla lang tawag ko sa kanilang lahat)

Jhing: Eto na malapit na nasa jeep ako baka mahablot to sige na bye

Bago pa man ako nakapag salita eh binabaan na ako ng loka.

Pumunta muna ako ng tindahan at bumili ng yosi.

Hithit, buga

Hithit, buga

taktak

Hithit, buga

Maya maya pa'y ubos na ang hinihithit kong yosi. May humintong jeep sa harap ko. May nakangiting lalaki ang papalapit sa akin. Hindi ko siya makita dahil malabo ang mata ko. Blurred ang mukha niya. Palinaw ng palinaw ang mukha na papalapit sa akin. Kinurot niya ang nipples ko. Kinilabutan ako. It send shivers down my spine.

Bbrrr!

Once again, sa hindi inaasahang pagkakataon...

Sa ikatlong pagkakataon

Nagkita uli kami ni StarFish






StarFish: Kamusta?

Ako: Okay naman. Bat nandito ka? San ka galing?

StarFish: Galing akong Qc may inayos lang. Taga dito ako dun sa kabilang street nakita kita kaya dito ako bumaba sa harap mo

Malaki ang ngiti ni StarFish. Mukang may binabalak. Hindi pa din dumadating ang Jhing.

StarFish: Pwede ka ba sa friday next week?

Bigka kong naalala yung gabing magkatabi kami sa kwarto. Napangiti ako

Ako: Bakit? Anu meron?

StarFish: Basta. Alis tayo punta tayo Makati (May sinabi siyang building pero di ko na matandaan)

Inakbayan ako ni StarFish. Malaki pa din ang ngiti niya sa mukha.

Ano ba ang tumatakbo sa isip ng mokong na to?

Ako: San tayo pupunta?

StarFish: Basta nga maging open minded ka lang

Kinabahan ako pero nagbigay ito ng kaunting kiliti sa aking imahinasyon. Naalala ko ang kwento ni Bookie sa blog niya - mga organized orgy sa Makati

Ako: Gusto ko malaman kung saan tayo pupunta para alam ko kung ano susuotin ko. Anong oras? (Umaasa kasi akong fine dining iyon. Haha!)

StarFish: Mag casual ka lang. Gabi tayo aalis. Anu nga pala number mo?

Ako: 0917447****

Hindi ako nakapagpigil.

Kinakabahan ako sa kanya

Ako: San nga tayo pupunta

Nakita ko na si Jhing at nakangiting papalapit sa amin. Alam ko kung ano ang nasa isip niya. Akala niya siguro boyfriend ko si StarFish

StarFish: Basta nga! Tandaan mo maging open minded ka lang sa pupuntahan natin. Sa makikita at maririnig mo.


Ngumiti si StarFish ng malaki. Naalala ko na naman ang gabing pinagsamahan ng init ng aming mga katawan

ganoon na ganoon din ang ngiti niya




Mas lalo akong kinabahan



Itutuloy....

7 comments:

  1. Kinakabahan din ako! Ano ba ang pinupuntahan na pwede na ang casual? Retreat? Rally? Million People March?

    ReplyDelete
    Replies
    1. manonood siguro sila ng kung fu divas. kelangan ng open mind dun *TawangWagas

      Delete
    2. maganda nag kung fu divas. so funny kung yun ang date movie. hahaha

      Delete
  2. Ako noon, I never slept with the same guy more than 3x. After that di na ako interested kahit gaano ka pa kasarap. hahahaha

    ReplyDelete
  3. taray nag-abala pa sa dapat i-suot na casual? e huhubarin din naman!!! charot. hahaha

    hmmm san nga kaya kayo gogora? hehe

    ReplyDelete