Tuesday, October 15, 2013

Just now

Ang lakas ng tibok ng puso ko

Nanginginig ang mga tuhod ko

Pagbaba ko ng jeep nakatulala lang ako

Hindi ako makapaniwala sa nangyare

Shet shet shet!

Muntik na ko! 

* * * * * *

Kakatapos ko lang magbuhat ng mga kung anek anek sa gym. Papauwi na ako nun. Nakasanayan ko ng may nakasuksok na earphones sa tenga ko sa twuing ba-byahe ako. Malakas ang tugtog. Nasa mood ako. Nakaka good vibes ang bagong single ni Mel B na for once in my life SD club mix (hanapin niyo sa YouTube feel good music na EDM) 

Pumara ako ng jeep pinili ko yung wala masyadong laman. Ganun ako pag pauwi galing gym ayoko ng maraming laman ang jeep naiinitan kasi ako pagpapawisan na naman ako eh kaka freshen up ko nga lang. Sumakay ako ng jeep. Nagbayad. Nakasuksok pa din ang earphones. Tuloy pa din sa pag indak si Mel B. Kahit ako napapa sayaw na din. 

Pagdating sa Acacia Lane may mga pasaherong sumakay. Puno na ang laman ng jeep. May tumabi sa aking dalawang lalake. Matanda na. Yung sa kanan ko may earphones din at naka pants yung sa kaliwa ko naman... Ewan ko di ko siya napansin pero may bag siya at naka patong sa mga binti niya. 

Nagbayad ako. Tuloy pa din ang malakas na tugtog sa tenga ko. Pinatugtog ang Brave ni Sara Bareilles. Naalala ko si Jonggoy. Naisip kong gumawa ng blogpost tungkol dito. Inaayos ko na sa isip ko ang mga katagang sasabihin ko. Nawala ang konsentrasyon ko sa paligid. Nilamon ako ng imahinasyon ko. 

Maya maya pa'y napansin kong nasa kanto na namin na pala ako. Pumara ako. Hindi ko narinig ang sarili ko dahil nakasuksok pa din ang earphones. Alam ko namang narinig ako ng drayber dahil huminto siya. May nga nauna nang bumaba sa akin. Hindi ako agad nakababa dahil yung lalake sa harap ko turo ng turo sa paa ko. Nung una di ko pinansin pero hindi siya tumitigil so I thought may nahulog akong importanteng bagay like cellphone or wallet or pera. Yumuko ako. Hinanap ko ang tinuturo ni Kuya. Wala akong makita ngunit turo pa din siya ng turo. Hinawi pa nga niya ang paa ko. Masyado ng matagal na nakahinto ang jeep baka umandar na ito. Naguguluhan ako sa nangyayare. 

Habang hinahanap ko sa lapag ng jeep ang tinuturo turo ni kuya naramdaman kong may kumakapa sa bulsa ko. Mabilis ang naging impulse ko. Dagliang hinawakan ng kamay ko ang bulsa ko para i-xgeck kung nandoon pa si iPhone. Nandoon pa. Bumaba ako ng jeep hawal ang dalawang bulsa ko. 

Fuck! Muntik na ako dun ah. Muntikan ng makuha ang phone ko. Dali daling nag rewind sa isip ko ang mga nangyari. Biglang bumilia ang tibok ng puso ko. Bigla akong namanhid. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. "Salisi Gang" ang naisip ko (kung yun nga ang tawag sa kanila) na realize kong konting konti na lang... Split seconds na lang, kung hindi ko pa naramdaman ang kamay niya sa bulsa ko nakuha na niya ang iPhone kp. 

Tangina! Nakaka trauma pala yung ganun. Hanggang ngayon habang ginagawa ko to nanginginig pa din ako

Sana pala nagsalita ako. Sana tinanong ko si kuya kung ano ginagawa ng kamay niya sa bulsa ko. Sana'y nabigyan ko ng warning ang ibang pasahero sa pagsasalita kong yon. 

Saktong sakto ang kanta ni Sara Bareilles  na Brave. 

Whew! 

Shet!

31 comments:

  1. Ay bet ko yang Brave!
    Anyway, buti hindi ka nanakawan. Okay na rin siguro na di mo sya binisto, baka may dala yung patalim. Laglag barya gang yan, ganun ang modus nila. Ididistract ka, tapos titingin ka naman sa sahig. Ayun pala nananakawan ka na.

    Dati may nakasabay ako sa jeep, nilagyan ng bubble gum yung buhok ng girl na katabi ko. Tapos kunyari pa yung magnanakaw na concerned, kunyari tinatanggal nya pero sya naman ang talagang naglagay nun. Pero sinasadya nyang lalo pang buhulin yung buhok, habang kinakapa na yung bag. Buti yung girl, alam nya na agad, kaso di sya makaalma, at iyak na sya nang iyak kasi ang ganda pa naman ng hair nya. Wala naman nakuha, at nag-give up din yung magnanakaw eventually at bumaba. Grabe lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naganyan na din ako dati pero ang ginawa naman nila dinuraan yung balikat ko tapos yun nga si kuya kunyari concern tinuro tapos mega punas ek ek pero wala naman sila nakuha skn kasi hawak ko phone ko at wallet ko at that time. Ang nakakaasar lang papunta akong date nun. Ingat na ingat pa ako nun sa mga sinasandalan ko tapos duduraan lang ako. Muka ba kong kalsada. Biset! Imagine amoy laway balikat ko. Hahahaha! Buti di na amoy ng date ko or baka naamoy niya kaya di nag kami nag work out. Hahahaha!

      May special place sa tabi ni Lucifer sa hell yang mga putang inang salisi gang na yan. Mamamatay din sila at pag namatay sila wala silang pang libing at wala rin pupunta sa burol at libing ng nga hayop na yan! Kingina nila mga salot amputa!

      Delete
    2. Virtual hug for you! Para maibsan ang iyong panginginig :)

      Delete
    3. Ah so meron pa palang Dura Gang! Grabe naman. Wala namang phlegm? Talagang mangdudumi pa ng tao makapagnakaw lang. Tsk tsk. So may Laglag Barya, may Bubble Gum, at may Dura. Afraid!

      Delete
    4. Sweet naman sa virtual hug :)

      at may turo turo. Yun yung gamit nila sakin.

      At kung mapapadpad kayo sa shaw blvd mag ingat kayo kasi diyan nangyari sa akin yan -- along shaw. Sa jeep

      Delete
  2. Good thing nothing bad happened

    Ako praning din ako pag nasa public place, maya't-maya kinakapa ko bulsa ko, dame talaga mga magnanakaw ngayon
    Wala na rin sila pinipiling oras

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. May nagsabi sakin buti daw walang tutukan na nangyari. Magpapasko na kasi kaya andiyan na sila gumagala gala. Funny thing is umaga nga siya nangyari at laging along shaw blvd nangyari ang mga attempts na yan sakin

      Sana nga iba na lang kinapa sakin eh. Choz!

      Delete
  3. nakow brad ingat ingat sa susunod.. buti hindi ka nadali nung mga alipores ni satanas na yun! tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buti talaga. Grabe seconds na lang kung hindi ko pa nalagay kamay ko sa bulsa ko kuha na niya yun.

      Mamamatay din sila tangina nila!

      Delete
  4. ayy naku naexperience ko na yan bagay na yan, yung sa akin naman yung sa bus,, muntik na din yung sa akin. buti mabait si kuya at sinabihan ka niya...
    ingat na lamang tayo sa susunod...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang mas safe na nga atang hawakan na lang ako phone at wallet eh

      Delete
  5. glad you're safe te. *hugs* <3

    buti safe din si iphone at ang macho ng bago niang yellow case. haha

    ayoko tlagang nakakarinig ng ganyang balita kasi im losing hope lalo sa humanity. sabe? hahahahah. at napapranoid ako ng malala. wala pako naexperience n ganyan. naaafraid tlga ko sa balita. HAHA.

    godbless them. pak!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Macho ba yung yellow case? Hahaha!

      "losing hope lalo sa humanity" - Ako I've already lost my hope to humanity since Erap had been our president.

      Basta tandaan mo lang ang turo turo, laglag barya, dura at bubble gum yan ang mga modus nila. Anything na makakawala ng focus mo at bigyan ka ng distraction.

      Delete
  6. I hate them. nadali ako sa bus dati. nung nabisto ko sila, ako pa yung pinagmukhang mandurukot. bwisit. dagundong ang tibok ng puso ko. hindi sa kaba o takot. kundi sa inis.

    ReplyDelete
  7. mabuti naman ineng at walang nangyaring masama sayo. dapat nilunok mo na ang bato! or nilabas mo ang moon prism power at magmake up!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. or hinampas ko ng frying pan or binato ng takure ng ma-insidious si kuya.

      Buwahahahahahahahahahahahahahahaha!

      Delete
    2. ay truth!!!! dapat sa mga yan pinapatay.

      chos. ang harsh.

      sige hinahampas na lang ng takure. haha

      Delete
    3. napanood mo na ba yung insidious 2?

      Delete
    4. Nakakaloka si ate noh binato lang ng takure lumagatak na sa sahig. natawa kami dun ng mga friends ko eh. Whahahahaha!

      Delete
  8. Awww. Good thing naramdaman mo agad. Marami akong friends na kung hindi nadukutan e talagang hinold-up habang naglalakad. Take care everyone!

    ReplyDelete
  9. ilang beses na ako sinubukang dukutan nyan 3310 pa celfone ko noon. hehehe
    ever since listo na ako palagi

    ReplyDelete
  10. Scary nga yan. At gaya mo natulala din ako nun nangyarinnaman sa akin sa bus yan. Iba nga lang modus nila sa akin that time

    ReplyDelete
  11. ito ang kinakatakot ko yong nag byabyahe so always make to it na malapit ang tinitirhan ko sa work ko thou this time the rent of my apartment is really expensive kc makati pero okay na kysa sa ganitong mga situation.

    Ingat nalang cgro lagi.

    ReplyDelete