Sunday, September 22, 2013

Four Sisters and a Wedding and Me


Disclaimer: Medyo mabigat at ma-drama ang post na ito. Nakakahiya nga eh. Kung sa tingin mo eh ayaw mo ng drama ngayong araw na to, then pass muna sa pagbabasa nito pero kung tsismosa ka at gustong malaman ang istorya ng buhay ko.. Welcome ka para mag eavesdrop. Charot!

I know, I know late post pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko. Sobrang nakakarelate kasi ako kay Bobbie (Bea Alonzo) kaya naman mega hagulgol at hikbi ako habang nanonood.  Pero may twist. Hindi kami nagkapareho ni Bobbie sa career at love life. Kami ni Teddy (Toni Gonzaga) and nagkapareho ng landas ng career. Walang narating. Kung sino pa sa aming magkakapatid ang dean's lister at laging nag uuwi ng medal siya pa yung walang narating. Yung nauwi sa dead end job. Heto ako isang hamak na call center agent lang.

Teddy

Marami ang sinakripisyo ni Teddy para sa pamilya niya. She went to Spain para makatulong sa pamilya niya financially and kahit gustong gusto na niyang umuwi, She can't dahil she can't tell the truth. Just like me, I sacrificed my future para makatulong sa kanila. Ganito kasi yan, tatlo kaming magkakapatid. Gitna ako dalawang babae ang kapatid ko. Si Ate successful sa career maganda ang posisyon niya sa trabaho niya ngayon. May kotse, nalibot na ang pinas at nakapunta na din sa ibang bansa. Vacation lang yun ah hindi business trip ibig sabihin sariling gastos niya yun. Nakapag aral sa magandang eskwelahan. So bakit ko nasabing I sacrificed my future?

Hindi lingid sa kaalaman ninyo na Nursing graduate ako pero never ako nag take ng board exam. Sa tuwing tatanungin ako ng mga kaibigan ko o mga ka batchmates ko kung bakit hindi ako nag take ng board exam ang dami kong palusot at excuses na sinasabi. Kesyo natakot ako bumagsak or hindi ko naman talaga gusto maging nurse. Natutunan ko ng mahaling ang propesyon na iyon (magiging dean's lister at makakatapos ba ako kung hindi sa hirap ba naman ng course na yun) pinangarap ko pa nga maging ER at OR nurse pero ang totoong dahilan, kailangan kong makatulong sa mga gastusin namin.

My mom had a stroke when I was in 3rd year college. It was her second attack na. Nung una high school pa ako nung unang attack niya. Bumalik sa dati ang gait ni mommy because of physical therapy but sa 2nd attack niya hindi na tumalab ang phyiscal therapy tsaka hindi lang kasi extremities niya ang naapektuhan pati ang pananalita niya apektado din. Kaya ngayon bed ridden na siya. Sinubukan namin ang physical and speech therapy pero hindi na talaga siya nag re-respond unlike nung sa unang attack niya plus ang mahal mahal pa ng PT eh wala naman kaming kabuhayan, hiwalay sila ng daddy ko. kaming magkakapatid nag aaral pa kaya umaasa lang kami sa mga padala ng mga tito at tita ko sa ibang bansa. When I graduated kinailangan kong magtrabaho agad. Naisip kong kung magte-take pa ako ng board exam it would take months bago lumabas ang result tapos let's say pasado ako pero hindi rin agad makakapag abroad since kelangan pa ng experience dito. At that time, hindi pa sapat ang sinu-sweldo ng ate ko dahil una, may anak na siya pangalawa, nag re-rent lang kami ng bahay (Binenta namin yung bahay at lupa namin dahil sa family issues sa mother side) tapos yung medicines, food, diapers and pa sweldo sa caregiver ni mommy so imagine the pressure. So after I graduate nag apply ako agad sa mga call center companies and now... I'm stuck to this dead end job.

Inggit na inggit ako sa ate ko. Sabi ko, lord bat ganun kung sino pa yung masama ang ugali kung sino pa yung manggugulang (Masama ang ugali ng ate ko. Iba siya mag isip. Mangugulang din siya jina-janette Napoles ako niyan sa mga gastos sa bahay. Hindi na lang ako nagsasalita para walang away pero minsan hindi ko talaga maiwasang magalit at mainis dahil napapagod din ako kakatrabaho but I had to keep it to myself) siya pa yung naging successful. Alam ko masama i-question si God pero bat ganun naman? Bat kung sino pa yung may great sacrifice, kung sino pa yung laging nag a-adjust, kung sino pa yung laging nagpapasensya siya pa yung walang narating.

This is why I sometimes hate God!

Bobbie

"pinili ko maging ganun, kinailangan kong maging ganun" - Bobbie

Sabi ni Bobbie she had to look tough and strong. Just like me I had to be tough and strong para sa mommy ko at para sa mga kapatid ko. My two sisters are emotionally weak. Lalo na ang ate ko. Since kami kami na lang magkakasama I had no choice but to be look tough and strong to them.

Nung bata ako, noong matapos mag away ang mommy at daddy ko, noong matapos bugbugin ng daddy ko ang mommy ko sa harap namin, noong matapos kong lampasuhin ang mga tulo ng dugo ng mommy ko sa sahig, matapos kaming yakapin ni mommy sa hagdan ng lumuluha at sinasabing hindi na uuwi si daddy, hindi ako umiyak. At that moment, pumasok sa isip kong hindi dapat ako magpakita ng emosyon sa harap ng pamilya ko or else magmumuka akong weak and I had no choice but to be strong for us to survive. Laging sinasabi sa akin ng mga tito ko at mga kaibigan ng mommy ko na ako na lang ang nag iisang lalake sa pamilya namin so I had to take care of them. Pinasok na lang nila basta basta sa ko-kote ko na kailanganin ko maging robot para sa kanila. Hindi dapat ako magpakita ng emosyon sa kanila. Hindi ako nagagalit, hindi ako umiiyak hindi ako tumatawa sa harap nila. Robot ako sa paningin nila.

And I did. But everything has its price

Hindi man ako nagpapakita ng emosyon sa pamilya ko ang nangyari sobrang emosyonal naman ako sa mga kaibigan ko to the point na, there are times na hindi na nila ako nasasakyan. Na I'm too much of a drama queen. At dahil nga bata pa lang ako at kailangan ko na maging robot, sa iba ko naman hinanap ang kalinga kaya naman ganoon na lang ang eagerness kong magka boyfriend. Kaya minsan hindi mo rin ako masisisi na isiping sana mayroon akong boyfriend para naman mag lakas ng loob ako ng paghuhugutan.

* * * * *

Lintek kasi tong four sisters and a wedding na to naisip ko pa tuloy yang mga yan. Hindi ko alam pero sinisimulan ko ng baguhin ang landas ng career ko but I really really am anxious kasi I had to start from scratch. Ngayon alam mo na Yeshua kung bat ako sobrang anxious, dahil kinabukasan ko at ng mga kapatid ko ang nakasalalay sa pagpapalit ko ng career. Paano kung hindi ako maging successful? Paano kung hindi ako ma regular? Paano kung wala akong mapuntahan? Paano kung sa lahat ng sinakripisyo ko at pag pupursigi ko maging failure pa din ako?

Hindi ko alam kung paano tatapusin ito. Dahil siguro hindi pa tapos ang kwento ng buhay ko or dahil ganoon pa din ang nangyayari sa akin ngayon. I just wish manatili akong strong and tough and resilient.


13 comments:

  1. Napanuod ko si Mutya Datul (Ms. Supranational 2013) kagabi sa Rated K, and when asked by Korina on what is her secret to success, she said that you just have to believe in yourself. Pang beauty queen talaga ang sagot haha. Pero yeah, naisip ko totoo naman. Kaya ayun, maniwala ka ring kaya mo! You can do it! Aja! :) Life is uncertain, anyway. At talagang nagbigay ako ng unsolicited advice! Hihi

    Nagustuhan ko yang Four Sisters and a Wedding, starring Bea Alonzo and others haha. Parang Bea film sya. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I have no doubt about that. Yes you really have to believe in yourself but sometimes no matter how prepared you are no matther how tough you are and no matter how truly you believe in yourself, when you are already set into the ocean and you know how great the risks are... You can't do anything but to be scared. But it's okay to be scared right?

      I'm just really scared and maybe I just need words affirmation to encourage me and to tell me that I can be successful and you gave that to me

      Thank you Javes

      *Ang cheesy ko na. Haha!

      Delete
    2. Hihi you're welcome, I'm glad to be of service to you. Be of service talaga? Haha

      It's fine to be scared sometimes, especially when you have someone to get scared with. O ha! Karirin mo na si Yeshua! Chos!

      Delete
    3. Naku! Wag mo kong binabanatan ng mga ganyang serbis serbis na yan baka hanapan kita ng extra service.

      Charoooooooot!

      Naku! Wala na yun si Yeshua namundok. Choz

      Delete
    4. NPA pala sya? Lol.

      Aba libre ang serbisyo ko. Di na kailangan ng extra service :)

      Delete
  2. Mapanood nga yang palabas na yan... *hmmm* :P

    Bitch pala ang ateng mo. *tsk tsk* After all na nangyari sa family nyo, ganyan nya pa kayo itrato... How about yung bunso? Hindi mo nabanggit kung pano ang dynamic nyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panoorin mo dali maganda nakakaaliw at nakakaiyak. I love Toni and Bea ang galing galing nila.

      Bitchesa talaga yan si ate kaya di ko na lang pinapatulan. Lagi kasi sinasabi sakin ni mommy noon ako na lang umintindi pero may mga pagkakataon talagang napupuno ako eh.

      Anyway, yung bunso siya si Gabbie (Shaina) sa four sisters and a wedding. Old maid na walang kibo na walang say sa mga nangyayari. Yung hindi importante ang opinyon or maybe she doesn't have the confidence to say what she wants to say. Pero siya yung kasundo ko. Close nga ako sa jowa niya dati ang gwapo kasi binilhan ako ng chicken sa jollibee eh favorite ko yun. Hehe!

      Delete
    2. Bitter kasi sakin si ate simula kasi nung mga bata pa kami hanggang sa bago ma stroke si mommy 6 years ago, ako lagi kinakampihan ni mommy everytime may away kami. Medyo spoiled ako compared sa ate ko mas malaki kasi tiwala sakin ni mommy kesa sa kanya kaya ayun. Eh si ate pa naman nagtatanim ng sama ng loob yun at mahilig sa revenge so tingin ko eto na ang revenge niya.

      But why did God allowed it? Di ba?

      Anyway...

      Delete
  3. hay bwisit talaga ang mga panganay paminsan. chos. haha

    pero grabe, i was moved sa part na nagpunas ka pa ng duguang sahig. how heartbreaking. i understand you more at mas nakilala kita sa post na ito. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa totoo lang nahihiya akong i-share ito eh. Pikit mata kong ginawa to. Takot kasi ako sa kung ano ang maaring sabihin ng ibang tao sa akin.

      Ang blog na to at ang mga nakabasa lamang ang may alam niyan hindi yan alam ng mga kamag anak ko pati ng mga malalapit kong kaibigan. Ako, si ate, si daddy, si mommy at si lola na nag rescue lang ang nakakalam niyan.

      Hindi pa siguro ako handang ipakita ang mga kalansay sa aparador ko. Marami pa yan at marami pa ang nangyari na hindi mo maiisip na pinagdaanan ko

      Delete
    2. heto yung post nung biglang hindi ko maaccess ang blog mo. thank you for opening it to us.. and for your trust na ipabasa samin ito. :)

      Delete