Thursday, August 8, 2013

Pets Pets Pets



Because of Felipe's post about his pet cat Torrent, I couldn't help myself but to mesmerize the times I had my own pet. From cat to dog to askal to turtle to fish to lovebirds to sisiw to omang -- lahat ng yan nasubukan ko ng alagaan. Kulang na lang ako ng amphibians para masabing naalagaan ko na lahat ng specie ng hayop. Charot!

Iba iba ang karanasan ko sa pag aalaga ng hayop. May madali, may high maintenance meron din namang dedma lang meron namang isang araw lang tsugi na meron tumagal ng sampung taon meron di ko masyado mahal meron ding mahal na mahal ko at meron ding parang wala lungs. Kaya heto isa isahin natin balikan ang nakaraan sa kadahilanang wala lang. Masarap lang balikan yung mga araw na may inaalagaan ka at inaasikaso.

Omang


Sino ba namang bata ang hindi magkakaroon ng pagkakataong mag alaga ng Omang? Sa lahat ng mga na alagaan ko sila yung parang wala lang. Iwan mo lang sila sa tabi tapos nun dedma na. Hindi high maintenance. Medyo may pagka-gago din ako noon. Eh anung magagawa ko curious ako kung anong nasa loob ng bahay nila kaya ang ginawa ko hinila ko siya palabas. Ayun na tsugi si Omang. 

Sisiw

                      (Not the actual pet)

Though hindi ko naman binili yung may mga kulay dahil ayaw ng Mommy ko dahil nakakaawa daw sila at hindi dapat binibili kaya ang pinili ko lang yung may mga natural color. Nakakatakot sila alagaan kasi pakalat kalat sila sa kwarto ko. Minsan, nung umaga pag gising ko pag tayo ko sa kama naapakan ko yung isa nabali yung paa niya umiyak siya. Kawawa iyak ng iyak eh wala akong magawa non kaya ginawa ko nilagyan ko ng band aid. (As if may maitutulong yun) Hahaha!


Lovebirds

                         (Not the actual pet)

My mom bought this for no apparent reason. Ewan ko di ko alam kung bakit siya binili ng mommy ko. Eto medyo tumagal din naman sa amin kaya lang para silang mga housemate na isa isang nauubos sa loob ng bahay ni kuya. nung una apat sila dalawang couple. Eh yung cage nila nakapatong lang noon sa seat, pag gising namin shutay na yung isa nilafang ng pusa so ang nangyari na depress yung jowaers niya kaya the next day na tsugi din siya. So dalawa na lang natira. Matibay yung dalawa umabot din ng months. kaya lang kinain ni Sharon yung isa (nakasabit na at that time yung cage) eh ang taas tumalon ni Sharon kaya na lafang niya. Sharon is our self proclaimed pet cat. Ang mahirap lang sa pag aalaga ng lovebirds yung paglilinis ng cage. Ang daming poo poo josko!

Turtle

                            (Not the actual pet)

Isa sa mga pet na hinding hindi mawawala sa listahan ng mga bata. One of the most boring pet ever. Di mo naman sila ma play kasi pag hinawakan mo magtatago sila. Ang bagal bagal kumilos na pag tinitigan mo sila aantukin ka sa bagal nila. Walang excitement. Walang thrill. Ang baho pa ng poo poo nila.

Askal


                         (Not the actual pet)

Yan na yung pinaka closest na itsura nung askal na inalagaan namin but he was a lil smaller. Cookie was his name because of the color of his skin. Alaga siya ng kapitbahay na binigay sa amin dahil hindi na daw niya kayang alagaan. Tinanggap naman namin kasi we missed having a dog after Chuckie died. Close kami ni Cookie. Tahimik at mahiyain siya. Not your typical dog. Hindi maharot at may super bark siya. Choz! Ayun lang hindi ko na matandaan yung iba or mas tinandaan ko lang siguro ang relationship namin ni Chuckie

Cat


                       (Not the actual pet)

This is the closest picture na kamukha ni Sharon. Sharon was her name. Our "self-proclaimed-bitch". Self proclaimed kasi feeling niya pet namin siya pero hindi naman. Ang alam ko pet siya ng kapitbahay namin eh lagi siyang nasa bahay noon so binigay na lang sa amin wala din namang magagawa yung tunay na may ari kung ayaw ni Sharon di ba? I named her Sharon kasi tampok ang tambalang Sharon-Gabby noon and yes, may asawa din siya Gabby din ang pangalan. Ganun din ang naging kapalaran nila same with the artists, iniwan din siya ni Gabby. Hahaha! Si Sharon ang pinaka matagal na naging pet namin. Eh paano ba naman kasi ayaw talaga sa kanya ng mommy ko kasi inuubos niya yung ulam namin na nakahain sa mesa. ilang beses na din namin niligaw yan pero balik ng balik. Kaya siya naging self proclaimed. Haha! Though marami din naman siyang naitutulong samin gaya ng walang ka-daga daga sa bahay dahil siya ang reyna ng ancestral house namin. May pagka weirdo din itong si Sharon kasi one time pag gising ko noon sa umaga nakita ko siyang nanganganak tapos kinakain niya yung placenta niya. imagine may reaction pag gising ganun makikita mo?! Nakakaloka! 

One thing I love about cats is their pagiging malinis. Yes! Kapag nag pu-poo poo sila hindi sa loob ng balur sa labas tapos maghuhukay pa sila para dun mag poop. Taray noh? Sabeeee! Hahaha!

Since Gago nga ako noon sinubukan ko sa kanya kung totoo ba yung kasabihan na kapag pinaliguan mo daw ang pusa-- babagyo. Ang nangyari nakalmot ako ng puta.

Dog


                    (Not the actual pet)

This is the closest picture sa actual na itsura ng pet dog namin although iba lang ng color medyo may pagka brownish na caramel kasi yung sa amin. Hindi ko na kasi ma retrieve yung picture niya sa Friendster since all of them was already deleted. So sad. Moving forward,  His name was Chuckie. My sister named him Chuckie dahil pareho sila ng characteristic ng hair ni Chuckie from Rugrats. 

See?


Di ba? Nabigyan naman ng justice eh. 

Si Chuckie was the most beloved pet. He was given by our cousin. A half spitz half poodle dog. Maharot yan. Kala mo laging naka cobra kung mang harot sa amin. Matakaw tsaka mahilig maglaro sa labas. Siya yung gumigisng sa amin sa umaga. Kinakatok niya ako noon lagi sa kwarto tapos pag bukas mo ng door tatalon agad yan sa kama tas tititigan ka lang. pag lumapit ka naman tatakbo papalayo. baliw lang ang peg. Napalo ko siya noon dati ng dalawang beses. Paano ba naman kasi tinapakan niya yung retainers ko tapos nasira kaya pinalo ko. Hehe! 

Despite of that, love na love ko si Chuckie. He knows when I'm sad. lalapit siya sakin tapos lalambingin ka niya or makikipag laro. Parang inaaliw ako ganyan. Medyo moody din siya kasi minsan ayaw ako katabi sa pagtulog. Tse!

Nagkasakit si Chuckie. He had worms in his heart ang sabi ng vet. and there's no way to get it out from him since his too young. I remember palitan pa kami noon sa pagbabantay kay Chuckie to make sure his drinking enough water yung Dr. Waters ek ek ba yun? Para hindi siya ma dehydrate kasi nagtatae siya nun tapos may time pa nag poo poo siya ng dugo. Grabe awang awa talaga ako sa kanya nun. Eh kasi naman ang harot harot niya kahit di pa tapos yung injection niya for worms labas ng labas ayan tuloy. I cried like a baby when he died. 

I really miss him so much. If ever magkaka pet ako uli gusto ko si Chuckie 

Ayaw ko ng iba :(


21 comments:

  1. yung omang madali alagaans.

    ang pet na slightly nagtagal sa akin ay lovebirds at dogs at ang nakiki-pet na pusa.

    ReplyDelete
  2. Nakakatuwa naman tong post mo. Nung nakita ko sa feed ko, kakabasa ko lang nung kay Felipe. So sabi ko, "Pet Day ba ngayun at puro about sa pets ang mga kwento?" *hahaha* Tapos nung binuksan ko na to at binasa, nalaman ko na nainspire ka dun sa post ni Felipe.

    Nakakatawa ang mga pet stories, lalo na dun sa lovebirds at kay Sharon. Medyo sad nga lang ang ending ni Chuckie... *hikbi*

    ReplyDelete
  3. kakaaliw ang mag-alaga ng pet. naalala ko ang sabi ng tatay mung nabubuhay pa siya, na ang mga pet lovers daw gentle people. totoo ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hhhmmm.... I guess? I think because we value every living thing.. everything that has a life?

      Delete
  4. Dogs! Takot ako sa aso pero kapag may alaga kami na-aattach ako. Kaya tuwing may namamatay dahil sa katandaan naluluha ako.

    Speaking of pets, lately nagcrave ako magkaroon ng husky. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Husky is very expensive plus it needs to stay in an air conditioned room since we are in a tropical country. Ako I want chao chao :)

      Delete
  5. Ibang iba ito sa mga posts mo, natawa naman ako sa use of words. Kung ikinuwento mo ito sa harap ko, tatawa siguro ako nang tatawa. Galing kasi! Anyway, pet ba kamo? When I was young, I have ducks, rabbits, quails, dogs, chickens, a goat, a pig, aquarium and pond fish, and turtles. I live in the city yan so imagine kung nasaan ang mga iyan, ha,ha,ha. By the way, may s ang mga words so meaning hindi lang isa as in more than 10. Pagod kami ng sis ko after school, magpapakain, magpapalakad, mangunguha ng damo, atbp. Anyway, it was fun!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah! I realized my past posts were too emotional and melodramatic so I decided to blog about something else and besides my goal is to entertain people just like how Bookie did it in his blog :)

      Delete
  6. Ang kulit mo lang mag-alaga nang hayop! hahaha

    Pinapaliguan pala talaga ang pusa, kala ko dati hindi.

    Ako, kalabaw ang pet ko dati hahaha, laking probinsya lang kasi! Nalungkot ako nong ipagbili sya dahil kasal nang bro ko. Lagi nga lang sya sa labas nang bahay, di pwede sa loob. hahaha

    Nakakatuwa itong post mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinapaliguan ang pusa I guess would depend on the breed kasi si Sharon ayaw eh..

      Its really fulfilling to hear from someone that they enjoyed my post

      Thank you :)

      Delete
  7. Mahilg din ako mag-alaga ng mga pets. I use to have an scorpion and spiders when I was younger.
    But now, my son has lovebirds named Mik-mik and Mok-mok. I posted about in my blog and someone commented that if they will have "babies" I should name them that start with lette P. As in p*k-p*k and pok-pok. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Scorpions and spiders? That's quite bizarre to be a pet don't you think? I'm scared of spiders and scorpions eh... they're so creepy *cringe*

      Delete
  8. hehehe ngayon kahit half bread ang dog ko (chicken bread + spanish bread, chars)eh masaya ako sa kanya, katatapos lang ng lahat ng mga vaccine nya :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa ako sa chicken bread and spanish bread ng konti.. Hehe! Joke lang ;p

      Delete
    2. nyahaha ok lang at least natawa ka :D

      Delete
  9. I had a turtle. I kind of enjoyed taking care of it. Hindi nga lang siya nag enjoy sa company ko. Ayun, namatay. hahaha! I'm not really the type who can take care of an animal. God knows I tried! Pero wala talaga.... Gusto ko man magalaga ulit eh wag na. Naaawa lang ako sa mga turtles.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why turtles? You have a dream of becoming teenage mutant ninja turtle? *waley* Hehehe!

      Why don't you try fish? I think mas bagay yun sa lifestyle mo :)

      Delete
  10. Omang pala ang tawag dun :)

    Finally, nakuha ko na yung link mo. Di ko makita blog site mo e. Haha.

    ReplyDelete