Sunday, March 16, 2014

First cut is the deepest


        First time he met my co-workers


love is really unfair!

Kung sino pa yung mga taong tapat at tunay na magmahal sila pa yung niloloko at iniiwan. At kung sino pa yung nanloko siya pa yung makikipag break. Pagkatapos ano? Iiwanan niya yung naging tapat, na miserable at wasak na wasak habang siya naman masyang masaya dahil malaya na?! Malayang malaya na naman makipaglaro sa ibang lalake! Tama nga ang sabi ng kanta. "It don't break even". Isipin niyo ah, kung sino pa yung niloko siya pa yung hirap mag move on! Siya pa yung mukhang tanga at baliw na kala mo may Alzheimer's disease.


                      First Check in

Yes! Alzheimer's disease! Bakit? Kasi may mga panahong lucid ka... at meron din namang mga panahon, mas madalas actually na hindi ka lucid. Yung iyak ka ng iyak, minsan naman nakatulala lang minsan tingin ng tingin sa phone nag aantay ng message galing sa kanya. Madalas lucid ka pagkaharap mo ang ibang tao. Pretending to be na okay ka. Siyempre ayaw mo naman ma-perceive ng ibang tao as "weak" di ba. Actually, dahil nga ayaw mong maging weak sa mata ng ibang tao at maging failure.. hindi pa rin alam ng mga kaibigan mo at mga malalapit sayo na nag break na kayo. Hindi mo kayang sabihin sa kanila dahil ayaw mong isipin nila na nag fail ka na naman sa relationship mo. Eh paano, alam nilang lahat na after 3 years saka ka nag boyfriend kaya nung nalaman nila na may lovelife at boyfriend ka na, they are genuinely happy for you. Even your relatives is happy for you. Eh kasalanan ko rin naman eh, pinakilala ko siya agad sa kanila kaya ayan kailangan kong itago "muna" sa kanila na iniwan na niya ako. 

                            First sleep over

Ayoko na rin naman kasing mag explain pa. Malamang sa malamang pag sinabi ko sa kanila sangkatutak na tanong ang ibabato nila sa akin. Maghahanap ng clues at aalamin kung sino ang may kasalanan. 

Eh sino nga ba? At bakit nga ba kami naghiwalay? 

Hindi ko alam.... or maybe hindi ko maintindihan.

O baka siguro hindi ko lang tanggap.... or hindi ko pa tanggap. Denial kung baga.

"Hindi ko na kayang lokohin ka" 

Yan ang sabi niya sa akin. 

"Paulit ulit na lang kasi tayo. Mahuhuli mo ako, magagalit ka tas magbabati tayo, babalik uli sa dati na parang walang nangyari tapos after ilang weeks, mahuhuli mo uli ako, patatawarin mo na naman ako. Paikot ikot na lang tayo Nomad eh. I don't want to hurt you again"

"Naiintindihan ko naman kung bakit. Bata ka pa and you really have the tendency to explore. Hindi naman ako nagagalit di ba? Ok lang naman sakin yung nakikipag usap ka sa Grindr or sa Growlr or WeChat. Hindi naman issue sa akin yun. Ayoko lang nung makikipag kita ka pa yung mag mo-movie pa kayo. Pero.... Kaya ko pa naman eh. Bakit hindi mo na lang hinayaan na ako ang sumuko, ako ang mapagod. Bakit hindi mo na lang hinayaan na ako na mismo ang mapagod at makipag break sayo?"

"Ano? Papayag kang may kabit ako?"

"Kala mo ba hindi ko napag isipan yang mga ganyan bagay? Naisip ko na yan noon pa at gaya ng sinabi ko sayo nasa point na ako na wala akong pakielam basta sakin ka umuuwi. Na ako ang legal."

"No! I can't. Not with you"

iyak iyak iyak.... hagulgol.....

Ang pinakamahirap sa break up eh yung the day after niyo mag break. Yung pagising mo sa umaga alam mong hindi mo na siya boyfriend. Na wala ka ng karapatan sa kanya. You can no longer say I love you or I miss you. I can no longer hug or kiss him. I can no longer build memories and plan my future with him or worse, hindi mo na uli siya makikita.

Taken pagkagising namin on his first night sa bahay

Sa katunayan, pagkagising ko... pagdilat ng mata ko nakita ko yung phone tas bigla ko siya naalala, after ilang segundo - I break out in tears pero pigil. Pinipigilan mo umiyak dahil ayaw mo ng drama. Bumalik sa akin lahat ng mga pinag daanan namin. Sa kwarto ko sa kama sa right ko kung saan lagi siyang naka puwesto kapag sa amin siya natutulog. Yung yakap niya, yung magkayakap kaming dalawa habang natutulog. Yung cluttered na mesa ko kung saan din niya nilalapag ang gamit niya pag nasa amin siya. Yung vase kung saan ko inilagay yung flower na bigay niya noong monthsary namin. Yung pamangkin ko na laging siyang hinahanap para makipaglaro sa kanya tuwing weekends. Lahat ng yan pag nakita ko, walang duda iiyak ako pero gaya ng sinabi ko, pipigilan mo na naman ang pagtulo ng luha mo.

                             Valentine's day

Ganun pala yun noh? It always feels like it's the first time. Na feeling mo first time mong dumaan sa break up. Siguro wala naman talagang masasanay sa ganito. I am trying to have a positive attitude about this break up pero I just damn can't do it. Ang hirap talaga eh. maya't maya iiyak ka kung ayaw mo naman umiyak kakain ka para I'll feel better tapos pag naalala mo na naman siya, mga memories niyo and mga future plans niyo... maiiyak ka naman. Mukhang baliw.

My last memory of him was very beautiful and true. Nakahiga ako non' sa kama habang siya nag aayos dahil pauwi na siya. He kissed me sa cheeks para magpaalam. Matagal ang pagkakahalik niya sa akin and it sends a different impression on me. I felt that it was different but I just ignored it. Ni hindi ko nga siya ni-kiss back or hug man lang. Hindi ko rin siya nahatid noon sa labas gaya ng palagi kong ginagawa. Hindi kasi talaga ako makakilos dahil sa hangover. konting galaw lang ng ulo ko nahihilo na ako at masusuka. But his kiss was no ordinary. At that time I felt that it was genuine and sincere. Ngayon, nagsisisi ako na hindi ko man lang siya nahalikan or nayakap. At sa tuwing maalala ko yun, nasasaktan ako.


                    First kiss sa cheeks

Kung pwede lang ako mag time off para umiyak ng malakas. Yung malakas na malakas. Yung wala kang pakielam sa makakarinig. Yung ngangawa ka and let all the pain get out of your system.

Alam ko naman na malalampasan ko din to at makakapag move on... I'm just.......

I'm just miserable and feel horribly awful.

Nobody knows about this except Nomad and his blog. Do you know how effin hard is that? Pretending to be ok and happy to other people?


            Our first date

* * * * *

First cut is the deepest.... and so this past few weeks.


I don't know how to start all over again


or if I can start again

7 comments:

  1. HI Nomad, I don't know you. You don't know me except for some comments I left in another blog you follow. I feel you brother. I am going through the same thing too. It's been 2 months since we broke up. I am feeling better but the pain's not gone yet. But the reality is more bearable now. You'll get there.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It really feels comforting to know na hindi lang ikaw ang nakakaranas at nakakaramdam ng ganyang sakit. It always feels na may kakampi ako or karamay.

      Parang leech ang pain noh? it sucks up all your energy, enthusiasm, positive mindset and mood. I really wish na maka move on na ako as soon as possible.

      So why be anonymous? I would appreciate kung magpapakilala ka.

      Delete
    2. Si Ace yung commenter sa taas.

      Delete
  2. im no good pagdating sa ganito... and di ko alam bkit ako nagccoment (haha) but reading your blog reminds me of my bf din... well halos magkaugali kayo and yes ako pasaway sa amin...

    you gave your best its his lost na lang...

    part ng mobing on yan... hope you get... ok sooner ^^


    ReplyDelete
  3. I'm sorry to hear this honey....

    I was kinda hoping my miserable past would've warned other younger folks. The only difference is that your guy had the balls to admit he's cheating and thus you gain the closure you need.

    Talk to me sa email?

    *hugs*

    ReplyDelete