This made my day..
Like seriously.
Was laughing real hard
Nagtataka na nga mga officemates ko sakin eh.
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito nakikinig lang ako ng mga covers and then ayun..
Tawa na ko ng tawa
Ngayon sabihin mo sakin kung hindi ka tumawa..
Hahahaha!
Naluluha ako hanggang ngayon kakatawa.
Good Morning Everyone! :)
Tuesday, October 22, 2013
Tuesday, October 15, 2013
Just now
Ang lakas ng tibok ng puso ko
Nanginginig ang mga tuhod ko
Pagbaba ko ng jeep nakatulala lang ako
Hindi ako makapaniwala sa nangyare
Shet shet shet!
Muntik na ko!
* * * * * *
Kakatapos ko lang magbuhat ng mga kung anek anek sa gym. Papauwi na ako nun. Nakasanayan ko ng may nakasuksok na earphones sa tenga ko sa twuing ba-byahe ako. Malakas ang tugtog. Nasa mood ako. Nakaka good vibes ang bagong single ni Mel B na for once in my life SD club mix (hanapin niyo sa YouTube feel good music na EDM)
Pumara ako ng jeep pinili ko yung wala masyadong laman. Ganun ako pag pauwi galing gym ayoko ng maraming laman ang jeep naiinitan kasi ako pagpapawisan na naman ako eh kaka freshen up ko nga lang. Sumakay ako ng jeep. Nagbayad. Nakasuksok pa din ang earphones. Tuloy pa din sa pag indak si Mel B. Kahit ako napapa sayaw na din.
Pagdating sa Acacia Lane may mga pasaherong sumakay. Puno na ang laman ng jeep. May tumabi sa aking dalawang lalake. Matanda na. Yung sa kanan ko may earphones din at naka pants yung sa kaliwa ko naman... Ewan ko di ko siya napansin pero may bag siya at naka patong sa mga binti niya.
Nagbayad ako. Tuloy pa din ang malakas na tugtog sa tenga ko. Pinatugtog ang Brave ni Sara Bareilles. Naalala ko si Jonggoy. Naisip kong gumawa ng blogpost tungkol dito. Inaayos ko na sa isip ko ang mga katagang sasabihin ko. Nawala ang konsentrasyon ko sa paligid. Nilamon ako ng imahinasyon ko.
Maya maya pa'y napansin kong nasa kanto na namin na pala ako. Pumara ako. Hindi ko narinig ang sarili ko dahil nakasuksok pa din ang earphones. Alam ko namang narinig ako ng drayber dahil huminto siya. May nga nauna nang bumaba sa akin. Hindi ako agad nakababa dahil yung lalake sa harap ko turo ng turo sa paa ko. Nung una di ko pinansin pero hindi siya tumitigil so I thought may nahulog akong importanteng bagay like cellphone or wallet or pera. Yumuko ako. Hinanap ko ang tinuturo ni Kuya. Wala akong makita ngunit turo pa din siya ng turo. Hinawi pa nga niya ang paa ko. Masyado ng matagal na nakahinto ang jeep baka umandar na ito. Naguguluhan ako sa nangyayare.
Habang hinahanap ko sa lapag ng jeep ang tinuturo turo ni kuya naramdaman kong may kumakapa sa bulsa ko. Mabilis ang naging impulse ko. Dagliang hinawakan ng kamay ko ang bulsa ko para i-xgeck kung nandoon pa si iPhone. Nandoon pa. Bumaba ako ng jeep hawal ang dalawang bulsa ko.
Fuck! Muntik na ako dun ah. Muntikan ng makuha ang phone ko. Dali daling nag rewind sa isip ko ang mga nangyari. Biglang bumilia ang tibok ng puso ko. Bigla akong namanhid. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. "Salisi Gang" ang naisip ko (kung yun nga ang tawag sa kanila) na realize kong konting konti na lang... Split seconds na lang, kung hindi ko pa naramdaman ang kamay niya sa bulsa ko nakuha na niya ang iPhone kp.
Tangina! Nakaka trauma pala yung ganun. Hanggang ngayon habang ginagawa ko to nanginginig pa din ako
Sana pala nagsalita ako. Sana tinanong ko si kuya kung ano ginagawa ng kamay niya sa bulsa ko. Sana'y nabigyan ko ng warning ang ibang pasahero sa pagsasalita kong yon.
Saktong sakto ang kanta ni Sara Bareilles na Brave.
Whew!
Shet!
Monday, October 14, 2013
30 days without an accident
Matagal ko silang hinintay
Sobrang namiss ko sila
At ngayon sila'y nagbabalik
Yehey!
They're so back!
Infairness, ang prison naging farm na
At halos lahat sa kanila may jowa na
Ako na lang ang wala.
Choz!
Baka.
Jowa ng bunsong anak na babae ni Hershel.
At interesting ang istorya niya
At umuulan ng walkers.
Nabasa ko sa twitter sa official account ng Walking Dead "Cloudy with a chance of walkers" daw.
Hehehe!
At sobrang complicated na ang nangyayari sa kanila
Bawal magkasakit
Dahil kung hindi
Alam na
"Fear is what kept us going"
-Glen
Sunday, October 6, 2013
Of Ashes and Heartbreak
Nagpatawag ng inuman si King noong sabado ng gabi, mukhang may problema sila ng boyfriend niya.
Pagdating ko sa bahay ni R, sina Ronald, King and R pa lang ang nandoon at habang himbing na himbing sa pagtulog si Ronald (Pagod kasi galing work) ay siya namang tindi ng emosyon na ibinabahagi ni King kay R.
Grindr, time, appreciation at gimik ang pinagmulan ng away nila.
Pinabasa niya sa amin ito. (Si King bilang blue bubble at ang jowa niya ang gray bubble)
*but I didn't say that it is not important
Nahirapan akong magbigay ng advice.
Pareho silang may point
Pareho silang may kasalanan
Pareho silang may pagkukulang
Kung iisipin maliit na problema lang ito, kayang kayang gawan ng paraan pero naging mabigat sa dibdib ang lahat. First boyfriend kasi siya ni King and we are so careful about it and the whole situation.
Kayo?
Mayroon ba kayong gustong ipayo kay King?
* * * * *
Pasensya na kung may maliliit na details ang kulang, lasing ako nung sinimulang ko ang pag screenshot
Wednesday, October 2, 2013
Sa ikatlong pagkakataon
Nakatayo ako sa may kanto iniintay ang kaibigan kong si Jhing para magpunta kila lai. Hinugot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag dial at tawagan si Jhing
Ring, ring, ring, ring
Ako: Asan ka na? Sabi mo 9 eh 9:30 na bakla ka! (Nga pala babae po si Jhing bakla lang tawag ko sa kanilang lahat)
Jhing: Eto na malapit na nasa jeep ako baka mahablot to sige na bye
Bago pa man ako nakapag salita eh binabaan na ako ng loka.
Pumunta muna ako ng tindahan at bumili ng yosi.
Hithit, buga
Hithit, buga
taktak
Hithit, buga
Maya maya pa'y ubos na ang hinihithit kong yosi. May humintong jeep sa harap ko. May nakangiting lalaki ang papalapit sa akin. Hindi ko siya makita dahil malabo ang mata ko. Blurred ang mukha niya. Palinaw ng palinaw ang mukha na papalapit sa akin. Kinurot niya ang nipples ko. Kinilabutan ako. It send shivers down my spine.
Bbrrr!
Once again, sa hindi inaasahang pagkakataon...
Sa ikatlong pagkakataon
Nagkita uli kami ni StarFish
StarFish: Kamusta?
Ako: Okay naman. Bat nandito ka? San ka galing?
StarFish: Galing akong Qc may inayos lang. Taga dito ako dun sa kabilang street nakita kita kaya dito ako bumaba sa harap mo
Malaki ang ngiti ni StarFish. Mukang may binabalak. Hindi pa din dumadating ang Jhing.
StarFish: Pwede ka ba sa friday next week?
Bigka kong naalala yung gabing magkatabi kami sa kwarto. Napangiti ako
Ako: Bakit? Anu meron?
StarFish: Basta. Alis tayo punta tayo Makati (May sinabi siyang building pero di ko na matandaan)
Inakbayan ako ni StarFish. Malaki pa din ang ngiti niya sa mukha.
Ano ba ang tumatakbo sa isip ng mokong na to?
Ako: San tayo pupunta?
StarFish: Basta nga maging open minded ka lang
Kinabahan ako pero nagbigay ito ng kaunting kiliti sa aking imahinasyon. Naalala ko ang kwento ni Bookie sa blog niya - mga organized orgy sa Makati
Ako: Gusto ko malaman kung saan tayo pupunta para alam ko kung ano susuotin ko. Anong oras? (Umaasa kasi akong fine dining iyon. Haha!)
StarFish: Mag casual ka lang. Gabi tayo aalis. Anu nga pala number mo?
Ako: 0917447****
Hindi ako nakapagpigil.
Kinakabahan ako sa kanya
Ako: San nga tayo pupunta
Nakita ko na si Jhing at nakangiting papalapit sa amin. Alam ko kung ano ang nasa isip niya. Akala niya siguro boyfriend ko si StarFish
StarFish: Basta nga! Tandaan mo maging open minded ka lang sa pupuntahan natin. Sa makikita at maririnig mo.
Ngumiti si StarFish ng malaki. Naalala ko na naman ang gabing pinagsamahan ng init ng aming mga katawan
ganoon na ganoon din ang ngiti niya
Mas lalo akong kinabahan
Itutuloy....
Subscribe to:
Posts (Atom)