Ang lakas ng tibok ng puso ko
Nanginginig ang mga tuhod ko
Pagbaba ko ng jeep nakatulala lang ako
Hindi ako makapaniwala sa nangyare
Shet shet shet!
Muntik na ko!
* * * * * *
Kakatapos ko lang magbuhat ng mga kung anek anek sa gym. Papauwi na ako nun. Nakasanayan ko ng may nakasuksok na earphones sa tenga ko sa twuing ba-byahe ako. Malakas ang tugtog. Nasa mood ako. Nakaka good vibes ang bagong single ni Mel B na for once in my life SD club mix (hanapin niyo sa YouTube feel good music na EDM)
Pumara ako ng jeep pinili ko yung wala masyadong laman. Ganun ako pag pauwi galing gym ayoko ng maraming laman ang jeep naiinitan kasi ako pagpapawisan na naman ako eh kaka freshen up ko nga lang. Sumakay ako ng jeep. Nagbayad. Nakasuksok pa din ang earphones. Tuloy pa din sa pag indak si Mel B. Kahit ako napapa sayaw na din.
Pagdating sa Acacia Lane may mga pasaherong sumakay. Puno na ang laman ng jeep. May tumabi sa aking dalawang lalake. Matanda na. Yung sa kanan ko may earphones din at naka pants yung sa kaliwa ko naman... Ewan ko di ko siya napansin pero may bag siya at naka patong sa mga binti niya.
Nagbayad ako. Tuloy pa din ang malakas na tugtog sa tenga ko. Pinatugtog ang Brave ni Sara Bareilles. Naalala ko si Jonggoy. Naisip kong gumawa ng blogpost tungkol dito. Inaayos ko na sa isip ko ang mga katagang sasabihin ko. Nawala ang konsentrasyon ko sa paligid. Nilamon ako ng imahinasyon ko.
Maya maya pa'y napansin kong nasa kanto na namin na pala ako. Pumara ako. Hindi ko narinig ang sarili ko dahil nakasuksok pa din ang earphones. Alam ko namang narinig ako ng drayber dahil huminto siya. May nga nauna nang bumaba sa akin. Hindi ako agad nakababa dahil yung lalake sa harap ko turo ng turo sa paa ko. Nung una di ko pinansin pero hindi siya tumitigil so I thought may nahulog akong importanteng bagay like cellphone or wallet or pera. Yumuko ako. Hinanap ko ang tinuturo ni Kuya. Wala akong makita ngunit turo pa din siya ng turo. Hinawi pa nga niya ang paa ko. Masyado ng matagal na nakahinto ang jeep baka umandar na ito. Naguguluhan ako sa nangyayare.
Habang hinahanap ko sa lapag ng jeep ang tinuturo turo ni kuya naramdaman kong may kumakapa sa bulsa ko. Mabilis ang naging impulse ko. Dagliang hinawakan ng kamay ko ang bulsa ko para i-xgeck kung nandoon pa si iPhone. Nandoon pa. Bumaba ako ng jeep hawal ang dalawang bulsa ko.
Fuck! Muntik na ako dun ah. Muntikan ng makuha ang phone ko. Dali daling nag rewind sa isip ko ang mga nangyari. Biglang bumilia ang tibok ng puso ko. Bigla akong namanhid. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. "Salisi Gang" ang naisip ko (kung yun nga ang tawag sa kanila) na realize kong konting konti na lang... Split seconds na lang, kung hindi ko pa naramdaman ang kamay niya sa bulsa ko nakuha na niya ang iPhone kp.
Tangina! Nakaka trauma pala yung ganun. Hanggang ngayon habang ginagawa ko to nanginginig pa din ako
Sana pala nagsalita ako. Sana tinanong ko si kuya kung ano ginagawa ng kamay niya sa bulsa ko. Sana'y nabigyan ko ng warning ang ibang pasahero sa pagsasalita kong yon.
Saktong sakto ang kanta ni Sara Bareilles na Brave.
Whew!
Shet!