Thursday, January 8, 2015

Usok, Upos at Damdamin


Sa bawat titik, sa bawat salita, sa bawat pangungusap, sa bawat parirala
Pusong nagdaramdam ay pilit ninanais na magsiwalat.
Mga titik na bumubuo sa aking isipan na makabuo ng isang salita
Na laman ng puso at kaluluwa.

Tangan ay katahimikan at kapayapaan, pag-ibig at pagtitiwala
Isipa'y pilit na inuunawa ang hatid ng hinaharap
Na may nagba-badyang tampalasang karimlan 

Puso'y naitanong ang isipan..
Paano tatawirin ang hilakbot na madilim na lagusan?
Kung takot at kaba ang pumapalibot sa pusong nag iisa.

Ako'y tila isang bulag sa katotohanan,
bingi sa mga tudyuhan.

2 comments: