Ako'y lutang sa karimlan
Saranggolang napatda sa kalangitan
Tinatahak at daloy daloy ng hangin
Putol ang pising karugtong ng mga mithiin
Ako'y isang dikya sa karagatan
Ina-alon alon lamang sa kung saan
Isang nilalang na patay at walang buhay
Pagkakakilanlan sa sarili'y pinagdududahan
Pagkatao'y muling kinuwestyon at hinamon
Mga matang nakapalibot humusga't humatol
Sa isipa'y may digmaan kung ano ang nararapat
Sarili'y binabantulot dapat ba'y makasalungat
Langitngit ng isang kaluluwang sawi
Panaghoy ng puso't isipa'y nagkalungi
Ako'y hapo na sa pakikipagtunggali
Sa saliw ng tugtugi'y balisa't kitil
Ako'y sinisikil ng mga salitang iyong binulaslas
Pakiramdam ko'y buong pagkatao'y pinatibuwal
Kadilima'y pumalibot yumakap sa bantayog
Pati mga bulaklak ay putos ng luksa at panglaw
Bituing noo'y umaapaw sa kislap at ningning
Ngayo'y napapalibutan ng lungkot at dilim
Sa sayaw ay umumid tinutop
Barandila'y pinatibuwal sa iyong pagpapalahaw